Pagkatapos ipatong ni Roux sa ibabaw ng mesa ang dalang tray ay nagsimula na akong asikasuhin sila. Nagsalin ako ng juice sa tatlong baso na nandoon. Pagkatapos ay kumuha ako ng baso at iaabot na sana iyon kay Kairro nang may humawak sa braso ko. “Let him, baby. He has his own hands.” Madilim ang mukha ni Sir Austine nang malingunan ko. Iisang linya lang din ang kanyang labi. Kanina pa siya mukhang wala sa mood, samantalang kanina noong nasa pool kami ay hindi mabura ang malawak ng ngisi sa kanyang labi. Simula noong dumating ang best friend niya ay parang bigla siyang naging iritado sa mundo. “P-pero po…” Nag-aatubili pa ako dahil bisita niya ito at nakakahiya naman kung hindi ko aasikasuhin. Saka, trabaho ko rin ang pagsilbihan sila, kahit nga ba pakiramdam ko na

