“Once upon a time, an Enchantress turned a handsome prince into a terrible beast when she discovered his selfishness. She left behind an enchanted rose. If the prince did not find true love before the last rose petal fell, he would remain a beast forever.” “Bakit po may mga selfish na creature, Ate Lana?” mahinang tanong ni Chantal. Malapit na sumapit ang ika-walo ng gabi kaya nandito na kaming dalawa sa kuwarto niya. Oras na rin kasi ng pagtulog niya ngunit bago iyon ay binabasahan ko muna siya ng ilang Disney story, na nakagawian na namin tuwing gabi. Inihinto ko ang pagbabasa para sagutin ang tanong niya. Tiningnan ko siya na matamang nakikinig naman sa akin. “Gusto kasi nila na sila lang ang nakakaangat, na sila lang ang magaling kumpara sa lahat. Those sel

