“If ever my daddy wants to have a new girlfriend… I want it to be you, Ate Lana.” I was beyond surprised when I heard that. Literal akong napatigil sa paggawa ng icing mixture. Kumabog ng malakas ang aking puso na para bang gusto nitong lumabas sa aking dibdib. Bumuka rin ang aking bibig para sana magsalita ngunit agad ko rin iyong naitikom dahil hindi ko alam ang sasabihin, o kung may dapat ba akong sabihin. She just said that if ever her daddy plans to have a girlfriend, she wants it to be me? Oh my gosh! What am I supposed to answer? And why is she even telling me that?! Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung ano ang sitwasyon ng pamilya nila. Habang nandito ako kasama nila ay kahit isang beses walang nagpakita at nagpakilalang mommy ni Chantal. I understan

