“Can we go first to our room, Ate Lana? I’m just going to get something.” Palabas na kami sa kusina nang sabihin niya iyon. Excitement was still visible in her voice. Ngunit sa kabila noon ay hindi rin nawala ang ngiti ko dahil sa ginamit niyang panukoy kanina. She just said, our room. Kahit iyon lang ay tuwang-tuwa na ako. Like what I have said, I am a sentimental person. Bago tuluyang lumabas sa kusina ay nilingon ko muna ang pinaggawaan namin para siguruhin kung wala kaming naiwan na kalat. Ayoko namang si Nanay Cedes pa ang mag-asikaso noon mamaya, gayong kami ang nagkalat doon. Iyon nga lang ay hindi pa ako nakaluto ng almusal namin. Pero siguro ay mabilis lang naman ako sa taas. As long as I greeted him, I am going back here. Kailangan ko lang din kasi samahan si Chant

