“It is your turn, Ate Lana. You can now kiss and greet my daddy!” saad ni Chantal na halos magpagulo sa buong mundo ko. What? Sandali! Ano raw?! What did she say? Literal na namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Alam ko rin na nakaawang ang aking mga labi. Siguro kung hindi lang mahigpit ang pagkakahawak ko rito sa cake ay kanina pang ang sahig ang nakinabang dito. Kanina pa rin sana nawala ang pinaghirapan naming dalawa. Kung ako ay gulat na gulat, si Chantal naman ay nakangiting nililingon ako. Kung titingnan mo ay para siyang isang inosenteng bata na mayroon ding isang inosenteng hiling. Ngunit sa kabila noon ay alam kong ako na naman ang nakuha niyang pag-trip-an. At mas napagtanto ko nga iyon nang kindatan niya ako. Halos mapaatras ako mula

