“Ate Lana... ate, wake up po…” I could hear Chantal’s faint and worried voice. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari hanggang sa maramdaman ko ang masuyong pagtapik sa aking pisngi. “Ate Lana, wake up.” Muli ay naramdaman ko ang maliliit na daliri sa aking mukha. “Daddy, she is crying po.” “Hey, baby… wake up.” Kasunod naman noon ay ang pamilyar na boses ni Austine na katulad kay Chantal ay mahihimigan ang pag-aalala roon. Maya-maya pa ay ang marahang paghaplos sa aking mukha ang aking naramdaman. Am I dreaming? Bakit naririnig ko sina Chantal at Sir Austine? Bakit sila nandito sa kuwarto ko? Paano silang nakarating dito? They should not be here. “Why is she crying, daddy?” nag-aalalang tanong ni Chantal at pagkaraan ay narinig ko na ang kanyang paghikbi.

