“Wow! Everything looks delicious!” Tuwang-tuwa na pumapalakpak si Chantal habang dumudulog kami sa hapag-kainan. Habang papunta sa dining area ay pakiramdam ko lumulutang ako sa ulap. Ni hindi ko nga maramdaman ang aking mga paa sa pinaghalong kaba at saya. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung iyong taong mahal mo ay katabi mo lang at hindi lang iyon, dahil kung alalayan niya ako kanina ay akala mo isa akong babasaging bagay na kapag nalingat siya nang paghawak ay biglang mababasag. Kahit na buhat niya si Chantal ay hindi nawala ang braso niyang nakahawak sa aking likod. Tahimik lang kami ni Sir Austine habang naglalakad kanina, habang si Chantal naman ay hindi nauubusan ng kuwento. Nakikinig lang kami sa kanya dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Baka kapag umi

