“Good morning, Lana. Lalo ka parang gumaganda ngayon!” Napalingon ako noong marinig ang masiglang boses ni Piolo. Kagagaling lang yata niya sa kusina at dahil ako ang nahuhuli sa paglalakad ay ako ang naabutan niya. Hindi na ako nakaangal pa kanina noong niyaya ako ng mag-ama na mag-almusal kasama nila. Si Sir Austine ang nagtutulak sa wheelchair ni Chantal kaya sila ang nauuna. “Oh, hi!” Nakangiting kinawayan ko siya. May hawak siyang Tupperware na siguradong ang laman ay pagkain para kay Mang Carding. Hindi ko alam kay manong kung bakit ayaw niyang pumasok dito sa loob, kahit na welcome naman kaming mga nagtatrabaho rito. Si Piolo nga ay labas-masok lang dito sa mansion at walang problema roon si Sir Austine. Lagi lang siyang nandoon sa guardhouse. Noong isang bese

