“Are you talking to me last night, Ate Lana?” tanong sa akin ni Chantal kinabukasan. Napatigil ako sa pagsusuklay ng kanyang buhok at tiningnan siya mula sa repleksyon naming dalawa sa salamin. Hawak niya si Oceane ang kanyang teddy bear habang nilalagyan ng clip ang dalawang tainga nito. “Bakit mo naman nasabi, baby? Narinig mo ba akong nagsasalita kagabi?” Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos sa kanyang buhok. Itinali ko ang buhok na bi-nraid ko sa magkabilang gilid. Nag-angat siya ng ulo para tingnan ako at kapagkuwan ay umiling kaya napangiti ako. Ang katunayan ay nakahinga ako ng maluwag dahil ang akala ko ay narinig niya ang mga sinabi ko kagabi. Alam kong matalino si Chantal at alam kong maiintindihan niya kung sakali man na malaman niya ang tungkol sa nararamdaman k

