“Ang tanga-tanga mo, Lana Adira! Ano’ng nangyari? Bakit nandito ka sa kuwarto?!” Halos pukpukin ko ang sarili dahil sa kagagahan. Dapat ay nagliligpit ako roon sa baba ngunit ano ang ginagawa ko rito sa loob ng kuwarto? Baka tini-test lang pala ni Sir Austine ang kasipagan ko tapos ako naman itong si uto-uto, noong sinabi niyang bumalik na ako rito sa kuwarto ay sinunod ko naman agad! Kanina ko pang pinagagalitan ang sarili, pero hindi ko rin naman magawang bumalik na sa baba. Hindi ko yata kayang harapin ulit si Sir Austine. Baka sumabog na lang ang aking puso ay hindi pa niya ako matulungan. Wala sa loob na napahawak ako sa aking noo at kasabay rin noon ay ang mariing pagpikit ko ng aking mata. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kalambutan ng kanyang labi sa aki

