“S-Sir… b-bakit ngayon ka lang?” Sa kabila ng pagkagulat na nararamdaman nang makita si Sir Austine sa iisang silid ay hindi ko na napigilan ang sarili nang mamutawi iyon sa aking bibig. Lumipas pa ang ilang sandali bago ko napagtanto ang itinanong ko sa kanya. Halos mapapikit ako dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung epekto ba ito nang pagkakagising ko sa hatinggabi kaya medyo malakas pa ang loob ko, o baka naman dahil sa nainom kong tubig kanina sa fridge nila. Baka mayroon palang sikretong pampakapal ng mukha iyon. Napatikhim ako at bahagyang umayos sa pagkakatayo. “A-ang ibig ko pong sabihin ay mabuti n-nakauwi na kayo.” Pagbawi ko rin sa naunang sinabi at dinugtungan ko pa iyon ng pagtawa kahit na halatang-halata roon ang kaba. Gusto kong iuntog ang ulo ko sa s

