“Finally, you both came home na!” Ang masiglang boses ni Chantal ang sumalubong sa amin sa aming pag-uwi sa bahay. Wala ng araw nang makauwi kami. Hindi na namin namalayan ang oras at kung hindi pa kami pinapak ng lamok doon ay hindi pa kami magpapasyang umuwi. Mabuti na lang at maliwanag ang buwan kaya hindi kami nahirapan sa paglalakad namin pabalik. Naabutan namin sina Nanay Lumeng at Chantal na nasa veranda na mukhang hinihintay kami. “Holding hands while walking? Yie!” Kantiyaw pa niya nang makita ang magkahawak naming kamay ng kanyang daddy. Natatawang napailing na lang si Nanay Lumeng dahil sa kakulitan ng bata. “Ihahanda ko lang ang pagkain para makakain na kayong dalawa.” Nagpaalam na rin sa amin ang matanda kaya kaming tatlo na lang ang naiwan dito

