“But why, daddy? I already planned that last night. Nahuli lang po ako ng pagpapaalam sa inyo.” Kasalukuyan kaming nasa receiving area sa mga oras na ito at tanging boses lang ni Chantal ang maririnig sa buong kabahayan. Kausap niya kasi sa telepono ang kaniyang daddy. Kanina pagkatapos naming kumain ay nagsabi agad siya na kailangan ay matawagan ang kaniyang ama. Ang gusto pa sana niya ay hindi tapusin ang kinakain para lang makatawag, ngunit hindi ako pumayag. Mabuti na lamang at nasabihan ko rin naman siya. “I was about to tell that to you while you are here. Ikaw kasi… ang dami mo po pinagagawa kanina kaya nakalimutan ko?” Himig nagtatampo ito sa kaniyang daddy ngunit hindi pa rin nawawala ang mga salita nang paggalang. Nakatayo ako rito sa tabi niya para alalaya

