“Pwede ba na dumaan muna tayo sa kwarto ko bago tayo bumaba?” Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang lumipas bago ako nagpasyang bumangon. Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari pero kailangan ko nang kumilos bago ko pa makalimutan na mayroon akong trabaho rito. Naabutan ko ang nakangiting si Chantal na hindi na bumubungisngis sa saya ngunit ang ngisi naman sa labi ay halos umabot sa magkabilang tainga. Tumatango rin siya nang marahan sa akin bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Magkasabay kaming lumabas ng kanyang kwarto. Ilang hakbang lang din naman ang layo nito sa aking silid kaya nakarating din agad kami rito. Simple lang ang kabuuan ng tinutulugan ko ngayon. May isang kama na pwedeng magkasya ang dalawa hanggang tatlo. Sa tingin ko nga ay ganoon ang halos laha

