Sa isang super club iyong party na tinutukoy nila Venice. Bukod sa amin ni Alec ay pinasama ko narin sila Tomi at Rico. Parang ang unfair naman kasi kung maiiwan at maghihintay lang sila doon sa sasakyan. Nakita ko ang pagkaway ni Carol kaya lumapit na kami doon sa napili nilang sofa. Malagkit agad ang tingin ng aking kaibigan kay Tomi na nagpapalinga linga lang naman sa paligid. "Kate! We're glad you came." malaki ang ngiting salubong sa akin ni Venice at sinulyapan pa si Alec sa aking likod. Ngumisi siya at alam ko na ang gagawin. "Alec, these are my friends." simula ko sa pormal na pagpapakilala sa kanila. Ngayon ko palang kasi talaga sila maipapakilala sa isa't isa. "This is Venice," naglahad agad ng kamay ang kaibigan ko na tinanggap naman ni Alec. "Carol, and Chelsea." ganoon d