Hindi rin naman kalayuan 'yong sinabi ni Lolo na pupuntahan namin. Agad kaming binati ng mga naroong nag-iinuman sa labas ng isang bahay. Bukod sa mga lalaki ay may naabutan din akong dalawang babae doon. "Tatang!" isang may edad na lalaki ang sumalubong kay Lolo Manuel. "Mario," tumawa si Lolo at tinapik ito sa balikat. "Ito nga pala si Alec at Kate." pakilala sa amin ni Lolo. Palakaibigang ngumiti sa amin si Mang Mario. Inaya kami nitong maupo na doon. I sat beside Alec. Sa gilid ko naman ay isang babaeng mas matanda lang siguro sa akin ng ilang taon. Katabi nito ang tingin ko'y husband niya. "Ako si Marta." nakangiti nitong pakilala. I returned her kind smile. "Kate." "Ang sabi ni Nanay Lydia ay nasiraan raw kayo ng sasakyan sa daan?" I nodded. "Oo. Nasa talyer pa." "Matagal