"Thank you po talaga sa lahat Lolo, Lola." niyakap ko si Lola Lydia. Nakuha na nila Alec ang sasakyan niya sa talyer at makakabalik na kami ng city. Lola hugged me back. Napapikit ako. I'm gonna miss them. Hinding hindi ko makakalimutan ang kabutihan nila ni Lolo Manuel sa amin. "Wala 'yon, hija. Hindi kami na biyayaan ng anak ni Manuel. At kahit sa ilang araw n'yo lang na pananatili rito ay nadama namin kahit papa'no ang magkaroon ng anak. Kahit saglit lang." ani Lola. Lalo ko pa siyang niyakap. "Mamimiss ko po kayo, Lola." nakaramdam ako ng konting pagbabadya ng luha sa aking mga mata. "Mamimiss din namin kayo, hija." she said. "Siya, baka gabihin pa kayo sa daan." Kumalas kami ni Lola sa isa't isa. Bumaling ako kay Alec na kausap pa si Lolo Manuel. "Salamat po sa lahat, Lolo."