Unti unti akong tumalikod at humakbang patungo sa aming gate. Muli kong nilingon ang kotse ni Alec na naroon parin. I sighed at tuluyang pinindot ang doorbell. Ilang sandali ay pinagbuksan ako. Bumungad sa akin ang nanlalaking mga mata ng guards doon. "M-Ma'am Kate!" Halos hindi sila magkandaugaga sa pagpapapasok sa 'kin at pagtatawag sa loob ng mansion. Sinalubong ako ng mga katulong at ni Manang Lourdes na naiiyak akong niyakap. They soon brought me inside the house. Kung saan naabutan ko si Mommy na nagmamadaling makababa ng hagdan. "Mom..." mahina kong tawag. She's just in her nightgown. Maputla ang mukha na walang bahid ng kahit anong makeup. Even her hair looked a bit messy at hindi nakaayos. My heart hurt. Naisip kong habang masasaya ang mga naging araw ko doon sa probinsya ay