Bigla kong naalala ang ayos ko habang halos hindi na matanggal ang mga mata ko sa kanya. Paniguradong magulo ang buhok ko dahil wala pa akong suklay. Ni hindi ko pa natitingnan ang aking mukha sa salamin! Mabilis ko siyang tinalikuran at nagmamadaling pumasok muli sa loob. I can't believe it! Is this even true? Siya ba talaga 'yong nakita kong nasa baba... Hinawi ko ang makapal na kurtina sa bintana ng aking kuwarto. Ganoon nalang ang muli kong pagsinghap nang makitang nakatingin din siya sa direksiyon ko! Mabilis kong binitawan ang pagkakahawi sa kurtina. Oh my... napahawak ako sa dibdib ko habang unti unting napapasandal doon sa may bintana kaharap ang kabuuan ng kuwarto ko. Mabilis kong tinungo ang bathroom at agad tumapat sa shower. Maliligo na muna ako. I think it took me hours bag