Lumang litrato

1039 Words
Sakay kami ngayon ng kotse ni Ezra dahil kailangan namin bumile ng ilang gamit para sa gagamitin namin para sa kwarto niya. Habang nasa loob ng kanyang sasakyan hinde ko alam kung bakit nakakaramdam ako nang inis. Dahil habang nagda-drive siya panay ang daldal sa kanya ni Carmen na nasa kanyang tabi. Samantalang ako ay tahimik dito sa likod ng kanyang sasakyan. Paminsan-minsan nakikita ko siya sa Front mirror na napapa-tingin naman sa akin. Iniiwas ko na lang ang aking tingin Pag nagtatama ang aming paningin. "Gladys ang tahimik mo naman diyan?" Narinig ko na tanong ni Carmen sa akin. Gusto ko siyang tarayan sa pagtatanong niya sa akin. Pero hinde ko ginawa dahil nagsalubong na naman ang aming paningin ni Ezra sa Front Mirror. Sasagot sana ako nang makarating na kami sa Ikalawang bayan. Paghinto nang kanyang Sasakyan kaagad ako bumaba, Pero huli na para mapaatras ako dahil nagpunta siya sa pintuan dahil balak pala niya ako pagbuksan nang pintuan ng kanyang sasakyan. Kaya nagkabunguan pa ang aming katawan. "Sorry" Sabay din namin naibigkas, Kaya Parehas pa kami natawa. Habang papasok na kami sa Loob nang malaking pamilihan ang daming napapalingon kay Ezra, Mga Babae kahit na lalake ay hinde maiwasan mapalingon sa kanya. Dahil kami ang magkatabi habang naglalakad may narinig pa ako na nagbulungan sa gilid namin na dalawang babae na dumaan lang. "Sobrang gwapo naman nang lalake para duon sa babae na kasama niya! Girlfriend niya kaya iyon?" "Sa tingin ko hinde! hinde kasi sila bagay e!" Narinig ko na palitan nila nang komento sa isa't- isa. Hinde ko na lang pinansin ang aking narinig. Pero kinausap ko ang sarili ko. "Ano bang pake ko sa kanila? E hinde ko naman boyfriend ito" Bulong ko naman sa sarile ko. "Huwag mo silang pansinin dahil para sa akin wala nang mas gaganda pa sa'yo" Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Ezra na nasa tabi ko. At hinde ko alam kung namula ba ang magkabila ko na pisngi sa kanyang sinabi. "Kaya lang tila nasaktan ako dahil itinanggi ako nang puso mo" Nagpakunot-noo ako dahil sa kanya ng sinabe, Kahit pabulong lang niya ito naibigkas rinig na rinig ko naman ito. Nababasa niya ba ang nasa isip ko? Dahil naintindihan ko kung ano ang ibig sabihin ng kanyang sinabi. dahil tila sagot niya iyon sa pabulong kong sinabi sa isip ko. "Huwag ka nang mag-isip Gladys, dahil darating din ang tamang panahon masasagot lahat nang gumugulo diyan sa isipan mo" Nakangiti niya ulit na sabi sa akin. Magsasalita pa sana ako pero bigla nang pumagitna sa amin si Carmen. "Ezra sa'yo ba ito? Nakita ko kasi kanina ito na nahulog mo kanina sa loob ng Kotse mo" Nakita ko ang inabot ni Carmen kay Ezra na Isang kwintas, Hinde ko alam kung gold siya basta ang pendant niya ay heart shape na tila pag binuksan mo ay may nakatago duon. Kaagad niya itong inilagay sa bulsa niya at nakangiti na nagpasalamat kay Carmen. "Salamat Carmen" Nginitian lang siya ng pinsan ko. At pumasok na si Ezra sa Isang store na bilihan ng mga libro. Susundan ko sana si Ezra dahil gusto ko din tumingin ng mga libro. Pero bigla ako hinila ni Carmen sa Isang gilid ng store na pinasukan ni Ezra. "Pinsan may Inililihim kaba sa akin?" Nagtataka ako sa tanong ni Carmen sa akin. "Ha? anong Inililihim?" "Hinde mo ba talaga kilala si Ezra?" Tanong niya ulit sa akin. At saglit niya na sinulyapan si Ezra na may binabasa na ng isang libro. "Hinde!! Magkasabay lang natin siya na nakilala diba?" Sagot ko naman sa kanya. Nakita ko pa ang pagtango-tango niya. "Baka nga lang kamukha mo siya. Pero parang Ikaw talaga e! at bata kapa sa picture mo duon" Narinig ko pa na sinabi niya at tila ang lalim ng kanyang iniisip. "Ano ba sinasabi mo?" Tanong ko ulit sa kanya. "Ahh basta! baka nga lang kamukha mo! kailan lang naman natin siya nakilala e!" Sabay hila na niya sa akin para sundan na sa loob si Ezra na nagbabayad na sa ilang libro na napili niya. Pabalik na kami sa bahay at sa pagkakataon ngayon magkatabi na kami ni Carmen sa likod ng sasakyan. Nakabili narin si Ezra ng ibang kakilanganin niya sa kwarto dahil nalinis narin namin ito kanina bago kami umalis. Pagpasok ni Ezra sa kwarto niya kaagad ako hinila ni Carmen papasok sa loob ng kwarto ko. Nagulat ako dahil pagpasok namin sa kwarto ko tumungo agad siya sa aparador ko at tila may hinahanap. Nakita ko na hawak na niya ang Photo Album ko. Naupo siya sa kama at isa-isa binuksan ang laman nun. Nagtataka na naupo ako sa tabi niya. "Hoy! ano ba ginagawa mo? kanina kapa hinde mapakali ah!!" Sabi ko sa kanya. Dahil kanina ko pa talaga siya napapansin na hinde mapakali na tila may gustong malaman. Nahinto siya sa picture ko nang kinse anyos pa lang ako. litrato ko ito sa pampang nasa likod ko ang dagat. At ang kumuha nito sa akin ay si Carmen mismo. "Pinsan ilang kopya meron ka ng litrato na ito?" Tanong sa akin ni Carmen at habang hawak na niya ang litaro ko. "Isa lang! hinde ba Ikaw pa ang nag bigay sakin niyan?" Sagot ko naman sa kanya. Dahil siya naman talaga ang nagbigay sa akin nun nang nasa School kami. Nakita ko ang malalim na pag-iisip niya. Kaya tinapik ko na siya na kinagulat niya. "Hoy ano ba Carmen!" "Teka lang huwag mo muna ako guluhin! kailangan ko lang isipin kung tama ba ang nakita ko. Kasi dito ang pangit ng suot mo e! at mukha kang dugyot! Pero duon sa picture ang ganda ng suot mo! tapos ang puti-puti mo! tapos tila nasa magandang lugar ka. Pero yung itsura mo at pagkakatayo mo at pagkakangiti mo ay iisa lang dito! at sa litarto na nakita ko!" Hinde ko maintindihan ang sinasabi ni Carmen. Tinabi niya ulit ang photo Album ko at nahiga na siya sa kama ko. At patuloy sa malalim na pag-iisip. "Gladys naniniwala kaba sa hiwaga kung saan pwede tayo mapunta sa ibang Mundo at maaring hinde na makabalik?" Napaupo ako sa harapan niya dahil sa kanyang sinabi. At pinakinggan ko ang kanyang sasabihin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD