Nasa kuwarto na kami ni ezra para matulog. ako ang nasa kama ko at siya naman ang nasa sahig sa gilid ng aking kama. Binigyan ko siya ng sapin niya unan at kumot. Nainis pa ako kay Carmen dahil Kaya naman ako pumayag na dito matulog si ezra dahil akala ko dito din siya matutulog.
"Ezra ok ka lang ba diyan?"
Tanong ko sa kanya. Na hindi ko siya tinitignan. dahil isang bentilador lang ang ginagamit namin. baka kasi naiinitan siya.
"Ok lang ako. Matulog kana babantayan kita"
Bigla naman ako nagulat sa sinabi niya.
"Ano?? bakit mo ako babantayan??"
Tanong ko pa din sa kanya na hindi ko pa din siya tinitignan sa ibaba sa gilid ng kama ko. kung saan siya nakahiga.
"Ang ibig ko Sabihin matulog kana. babantayan na lang kita habang hindi pa ako inaantok"
Sagot niya ulit sa akin. pero nag-tataka pa din ako sa salita niya na babantayan niya ako. Abnormal talaga. bulong ko na naman.
Nakatulog din naman agad ako..
****Panaginip****
"kamusta binibini"
Bigla may nag-salita sa aking tabi. inikot ko na naman ang Paningin ko nandito na naman pala ako sa mahiwagang mundo na laging binabanggit ni klea.
"Diba ikaw ang kapatid ni klea?"
Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at inaya niya ako maupo sa malapad na bato na napa-pagitnaan ng dalawang malaki na puno.
"Ako ang nakakatanda niya na kapatid. Ang aking ngalan ay Ezra"
Nakangiti niya na sambit sa akin.
"Ako naman si gladys"
"Alam ko gladys"
Bigla naman niya na sambit sa akin. hindi ko na pinansin ang kanyang sinabi. baka nabanggit sa kanya ni klea o Kaya naman narinig na niya na nabanggit ni klea ang pangalan ko.
"Nasaan nga pala si klea?"
Naalala ko na tanong ko sa kanya.
"Nasa paligid lang natin siya gladys. kailangan niya kontrolin ang kanyang sarili upang hindi siya tuluyan na maglaho at maging Isang hangin na lamang"
Naguluhan ako sa isinagot sa akin ni Ezra. pero tulad ng lagi ko ginagawa Pag nandito ako hinahayaan ko na lang sila sa mga sinasabi nila.
"Kamusta ang buhay mo sa iyong pagka-gising gladys?"
Bigla niyan naman naitanong sa akin. Nagtaka naman ako. Anong pagka-gising?
"Anong pagka-gising ezra? hindi kita maintindihan?
Naguguluhan na tanong ko sa kanya.
"Gusto kong ipaliwanag sana ang lahat sa'yo. pero kailangan na kusa mo muna na tanggapin ang mundo na ito para sa akin"
Sagot na naman niya sa akin. Ano pinagsasabi ni ezra? ano bang mundo ito? bakit sobrang mahiwaga na ang mga naririnig ko sa kanila ni klea.
"Gladys.."
Bigla ko narinig ang tinig ni klea. hinahanap ko siya pero hindi ko siya makita
"Sadyang hindi mo ako makikita gladys. kakausapin kita sa pamamagitan lamang ng iyong isip"
"Nasaan ka klea?"
Bigla ko naitanong. pero ramdam ko na hindi bumukas ang bibig ko para mag-salita.
"Sa ngayon gladys ay isa lamang ako na hangin. pero pansa-mantala lamang ito. gladys dalawang ezra ang iyong makikilala. ang isa ay sa mundo ng panaginip at ang isa pa ay sa mundo ng iyong pagka-gising. kailangan ang isa sa kanila ay matutunan mo na mahalin"
Sabi niya sa akin. Napatingin ako kay ezra na napatingin sa akin. parang alam niya na may kausap ako.
"Gladys sa bawat pahina ng libro na unti-unti nabubura ibig sabihin unti-unti na din nakaka-pasok sa iyong puso ang ezra na nasa inyong mundo"
"Pag si ezra na nandito sa panaginip ang nakapasok sa iyong puso. ang libro na nasa iyong pag-iingat ay mananatili na libro at mapupunta naman ito sa ibang pag-iingat at mauulit lamang ang nang-yayari ngayon. Pag nangyari iyon"
"Ikaw gladys ay mananatili na dito sa aming mahiwaga na mundo. tulad ng sinabi ko gladys ayoko na nandito ka. dahil ang ezra na gusto ko na mahalin mo at minamahal mo ay nasa inyong mundo na.. "Inuulit ko gumising kana gladys..."
Unti-Unti ako nag-mulat ng mata dahil parang may dumampi na mainit na labi sa aking labi.
Nang tuluyan na ako Nagising. Mag-isa na lang ako sa kuwarto ko. tumingin ako sa ibaba ng gilid ng kama ko. wala na si ezra sa kanyang higaan. Bigla ko nahawakan ang aking labi. Panaginip lang ba iyon? pero Naramdaman ko talaga ang mainit na labi na iyon. Inalis ko na lang sa aking isip baka nga panaginip lang siya.
Tumayo ako para mag-banyo na. Pag-kalabas ko ng kuwarto tumuloy na ako ng kusina para maka-pagluto na ng almusal namin.
Muntik pa ako Mapasigaw dahil nagulat pa ako sa nakita ko si ezra. Puno ng dumi ang guwapo na mukha niya. Tila hirap na hirap siya sa ginagawa niya na pagpa-padingas ng mga tuyot na mga sanga na galing sa puno.
"Anong ginagawa mo?"
Natatawa ko na tanong sa kanya. dahil ang dumi talaga ng kanyan mukha. pero kahit ganoon guwapo pa din siya.
"Mag-luluto sana ako ng kape e"
Kumakamot na nakangiti na sagot niya sa akin. Lumapit ako sa kanya. ako na ang nag-padingas at nagluto na din ng kape. Habang ginagawa ko iyon nakatingin lang siya sa akin na ang laki ng pagka-kangiti niya.
"Ezra"
Sabay nguso ko sa mukha niya. Nakita ko ang malaking ngiti sa kanyang labi na na pinag-tataka ko naman. Siya naman ang ngumuso at itinuro pa niya ang labi niya.
Parang nain-tindihan ko na ang ginagawa niya. may nakita ako na bimpo na puti na malinis na naka-sampay malapit sa bintana ng kusina.
Binasa ko ito ng tubig. Muling bumalik sa harapan niya. Pinunas ko ang basang bimpo sa mukha niya at pinakita ko sa kanya ang puting bimpo na maraming dumi. natatawa siya na napa-pakamot sa ulo niya.
"Akala ko gusto mo ng kiss e"
Sabi niya sa akin habang natatawa parin siya. Sinabihan ko siya na maupo na at hintayin na lang ang kape. bigla naman dating ni Carmen na may dala ng pandesal.
"Good morning ezra"
Nakangiti na bati niya kay ezra. napataas naman ang kilay ko sa pinsan ko. buti pa si ezra binati niya ng good morning. ako hindi.
"Good morning din Carmen"
Nakangiti din na bati sa kanya ni Ezra.
"Pinsan diba tutulungan natin si ezra maglinis ng kuwarto niya?"
Tanong ni Carmen sa akin habang nagsasalin na ako ng kape para sa aming tatlo..