Ezra in the house

1119 Words
Pagkalabas ko ulit ng kuwarto nasa sala pa din si ezra. hindi ko alam kung paano ko siya pakiki-harapan dahil nahihiya pa din ako. "Hi si Carmen?" Bati ko na lang sa kanya' pag-kalingon niya sa akin' nakangiti naman siya agad sa akin. "Nasa kusina siya" Nakangiti na Sagot niya sa akin. hindi ko alam kung pakiki-harapan ko ba siya dito sa sala o susundan si Carmen sa kusina. Pero bigla siyang nagsalita. "Kamusta ang pagtulog mo?" Nagulat ako sa tanong niya' bakit niya kinuku-musta ang pagtulog ko? "Ok lang naman" Sagot ko na lang sa kanya' saglit siyang nag-isip. "Kumain ka naba?" Tanong ko na lang agad sa kanya. "hinde pa" Nakangiti niya na Sagot sa akin' inaya ko na siya sa kusina, nadatnan namin si Carmen na nag iinit na ng tinapay. "Maupo kana lang muna" Sabi ko sa kanya, dahil naiilang ako sa tingin niya. dahil kahit saan ako magpunta lagi niya ako sinusundan nang tingin. Abnormal ata ito! bulong ko na lang sa isip ko. Pinagsaluhan namin ang tinapay na ininit ni Carmen at kape na niluto niya. "Ang sarap naman ng kape ninyo" Sabi niya habang humihigop ng sabaw. "Ibang kape kasi iyan' laking maynila ka kasi Kaya nasanay ka sa instant coffee" Sagot ni Carmen sa kanya. "Anong instant Coffee? Tanong niya' Pero bigla din naman siya na nagsalita. "Sa amin kasi ang katas ng ugat ng puno ang ginagawa namin na inumin" Nagka-tinginan kami ni Carmen sa sinabi niya' na agad naman niyang napansin. "I'm jus kidding" Bigla niyang sagot at sabay higop ulit sa kape niya. "Abnormal nga yata siya!" Bulong ko kay Carmen na kinangiti din niya. "Hayaan muna guwapo naman" Natatawa niyang sagot sa akin. "Meron ba na malapit na matitirhan dito sa lugar ninyo?" Tanong niya sa amin. "Bakit?" Tanong ko naman sa kanya. "Gusto ko kasi lumipat malapit dito" Sagot niya sa amin. "bakit?" Tanong ko sa kanya ulit. "Meron kasi ako kailangan na iresearch dito at related iyon sa trabaho ko" Sagot niya' na parang nag-isip muna ng isasagot niya. "Hmm sige pag magpapa-hanap ako kay nanay" Biglang sagot naman ni Carmen. Pero bigla ulit nagsalita si Carmen. "Pinsan diba may isang kuwarto pa dito na hindi naman nagagamit?" Sabi niya sa akin. "Yung kuwarto ba sa tabi ko? Oo Kaya lang ang alam ko sira Ang bubong nun maraming mga butas" Sagot ko sa kanya' "Dito mo na lang Kaya patirahin si Ezra para hindi na siya mahirapan maghanap na matitirhan dito sa lugar natin" Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Ano?? ayos ka lang?" Sagot ko sa kanya' habang pinanla-lakihan siya ng mata. "E' magbabayad naman siya e' ayaw mo nun? may extra income si tita" Sagot niya sa akin. na kinatingin ko naman ky ezra na maganda ang pagkakangiti. Ano ngini-ngiti nito? bulong ko sa isip ko. "Tanong ko muna kay nanay" Sagot ko na lang. "Salamat Carmen" Narinig ko na sabi niya kay Carmen' napakunot ang noo ko dahil bakit kay Carmen siya nag-pasalamat? hindi na lang ako kumibo. "Your welcome ezra mukha ka naman mapag kaka-tiwalaan e" Sagot sa kanya ni Carmen. Pagkatapos nang pagsasalo na iyon ay nag-paalam na siya sa amin' dahil may aasikasuhin pa daw siya. Nag-paalam na din si Carmen dahil kailangan daw niya magpakita kay tita dahil mag-iisip na naman daw ito at baka isipin sa boyfriend niya siya natulog. Pumasok ako sa kuwarto para maglinis ganito ginagawa ko basta walang pasok sa school. Inayos ko din ang pagka-salansan ng mga libro ko' pero habang ginagawa ko iyon bigla kong naalala yung libro na lagi kong katabi sa pagtulog. Hinanap ko ito at nakita ko sa gilid ng kama. umupo ako sa kama at naisipan ko ulit buklatin ito' paulit ulit ko ito binabasa kahit kabisado ko na ang lahat ng pahina ng libro. Pag-kabuklat ko ng libro nagulat ako sa unang pahina dahil bakit blanko ito? imposible na mabura? dahil unang pahina lang talaga ang blanko. Napaisip ako ng malalim bakit? Pero kahit naman na mabura siya kabisado ko naman ang nakasulat dito. pero nakaka-pagtaka na mabura na lang siya ng ganoon lang. Kahit nagtataka itinabi ko na lang ulit ito sa ilalim ng unan ko. Nasa sala ako at hapon na ng bumalik si Carmen naupo siya sa tabi ko at siya naman dating ni Nanay galing sa pagtitinda. Pero may kasama siya. "Gladys anak tulungan ninyo si ezra sa mga gamit niya" Sabi ni Nanay dahil may buhat si Ezra na dalawang maleta habang pumapasok ng pintuan. Nagka-tinginan pa kami ni Carmen' habang napapangiti ito sabay bulong sa akin. "Ang bilis ah dumaan muna kay tita' Ayos" Tumayo kami ni Carmen para tulungan siya pero tumangi siya at Kaya na daw niya. "Ezra paano yung sasakyan mo sa labas wala iyon paparadahan dito" Narinig ko na sabi ni Nanay. "Tita duon na lang po malapit sa pampang" Sagot ni Carmen kay Nanay. "Oh siya sige pagdating ng tito mo ibibilin ko para maipag-paalam duon. Kayo na bahala kay ezra ituro ninyo ang kuwarto niya" Sabi ni Nanay bago siya pumasok sa kuwarto nila ni tatay. "Salamat gladys" Narinig ko na sabi sa akin ni Ezra' ngumiti lang ako sa kanya'. Sinamahan namin siya ni Carmen sa kabilang kuwarto Kaya lang marumi pa ito dahil naging bodega ito. "Pasensya kana Ezra' hindi ako nakapag-linis dito hindi ko kasi akalain na ngayon ka kagad lilipat e" Sabi ko sa kanya'. "Ok lang lilinisin ko na lang" Nakangiti niya na Sagot sa akin' agad ako umiwas sa tingin niya dahil naiilang ako pag nakikita ko ang mata niya. hindi ko alam kung bakit pero parang may gusto na iparating. "Hapon na e' bukas na lang tutulungan ka namin ni Carmen at yung bubong pa ipapaayos pa namin bukas" Sabi ko sa kanya' sabay turo ko sa itaas na marami nga na butas at marami din timba na nakasabit. "Ako na bahala diyan' ako na gagawa niyan" Nakangiti ulit niya na Sagot, "Duon ka muna sa kuwarto ni gladys matulog ngayon" Nanlaki at nagulat ako sa sinabi ni Carmen. Kaya pinanlakihan ko siya nang mata. "Gladys alangan naman sa sala mo siya patutulugin? tignan mo nga katawan niya hindi siya kakasya sa sofa! at papapakin siya ng lamok duon!" Mahabang paliwanag sa akin ni Carmen. "Ok lang sa akin sa sala muna ako matulog ngayon. Biglang sagot ni Ezra' dahil nakita niya siguro ang pag-alinlangan sa mukha ko. Parang nakonsenya din naman agad ako. "Ok sige duon kana sa kuwarto Kaya lang sa lapag ka ah" Sabi ko na sa kanya' at sabay tingin kay Carmen na nangingiti na naman' napaisip tuloy ako nahawa na ata ang pinsan ko sa ka-abnormalan ng lalaki na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD