Pag-kauwe namin sa bahay nakwento ko kay Carmen ang tungkol duon sa ale' na nakita ko ang mata niya pero blanko ito. Ayaw niya ako paniwalaan kay hindi ko na lang ipinilit.
Sa bahay ulit natulog si Carmen dahil badtrip pa daw siya sa Nanay niya,
Tulad ng lagi ko nakagawian kinuha ko ulit ang libro at niyakap ulit siya' hangang sa dalawin na ako ng antok.
****Panaginip****
"Nandito ka na naman muli gladys"
Narinig ko na nagsalita sa tabi ko' nagulat pa ako dahil katabi ko lang siya.
"Nagugulat ako lagi sa bigla mong pagsasalita klea"
Sabi ko sa kanya,
"Ipagpaumahin mo dahil ako ay nagugulat din bakit lagi ka dinadala dito ng iyong panaginip' dapat ay wala ka dito dahil wala naman dito ang taong dapat na kasama mo"
Sabi pa niya hinayaan ko na lang siya magsalita' dahil pagkatapos nito ay wala na naman ako matandaan sa mga sinasabi niya.
"Gladys kung patuloy ka na dadalhin dito ng iyong panaginip ay baka tuluyan ka ng hindi magising"
Nagulat ako sa sinabi niya' kung nasa panaginip nga ako at yung sinasabi niya na baka hindi na ako magising ay labis na kinatayo ng balahibo ko, ibig sabihin bangungot?
"Bakit naman mangyayari yun?"
Tanung ko sa kanya,
"Hindi ko din alam gladys' tulad ng sabi ko sa'yo ang mundo namin ay sadyang mahiwaga at Mapaglaro"
Nakita ko na bakas sa maganda niyang mukha ang kalungkutan. inaya niya ako maupo sa isang malaking bato na maraming mga bulaklak.
"Hindi lang ang Kapatid ko ang kailangan makalampas sa mga pagsubok at laro ng aming batas' Kasama ka din duon gladys"
Pinakikingan ko ang lahat ng sinasabi niya' dahil baka sakali na matandaan ko ito pag-gising ko.
"Alam ko na pilit ka nilang nilalayo sa Kapatid ko' dahil nagtagumpay siya na matagpuan ka"
"Kaya pilit ka nilang dinadala dito ng iyong panaginip' upang dito ka manatili at siya naman ay mananatiling puno sa inyong mundo"
Habang nagsasalita si Klea may lalaki ako nakita na papalapit sa amin' ang guwapo niya matangkad siya parehas sila ng mata ni klea may pagka longhair ang buhok niya' na bumagay sa kanya, at ang ganda ng ngiti niya.
"Kamusta ka binibini"
Nakangiti niyang sambit sa akin' napatingin ako kay klea na malungkot ang mata at umiwas ng tingin sa akin.
Nginitian ko siya' kasi parang lumukso Ang puso ko sa boses niya.
"Hi sino ka?"
Nakangiti ko na tanong sa kanya'.
"Hindi mo ba ako nakikilala? ako ang lalaking matagal mo ng iniibig binibini"
Sagot niya sa akin' na kinatulala ko, anong ibig niyang sabihin? wala naman akong lalaki na ibang hinangaan kundi ang lalaki na nasa libro na inalagaan ko sa loob ng tatlong taon.
"Alam ko na may pag alinlangan sa iyong pag iisip dahil sa akin itinuran binibini' pero kung magtatagal ka dito sa aming mundo kaya kong ipaliwanag ang lahat sa iyo"
Nakangiti ulit niya na sagot sa akin' napatingin ako kay klea na malungkot pa din ang mukha.
"Gladys gumising kana' tulad ng sinabi ko wala dito ang kapatid ko lahat ng iyong nakikita ay pagsubok mula sa aming mundo"
Sabi sa akin ni klea' na kinalingon naman sa kanya ng lalaki na kausap ko kanina.
"kapatid ko bakit mo siya pinapaalis alam mo na ako ang dahilan niya kung bakit siya nandito"
Tinignan siya ni klea ng masama at malungkot na umiling,
"Huwag mo akong tawagin na Kapatid"
Sagot niya dito' tumingin ulit sa akin si Klea,
"Gladys hanggat kaya kong sumuway sa aming batas' para sa Kapatid ko' ay gagawin ko' kaya pakiusap gumising kana mababalewala ang lahat ng sakripisyo niya makita ka lang"
Pakiusap sa akin ni klea .
"Hanggat kaya kong kalabanin ang bangungot na pilit na itinatadhana sa iyo ng aming mundo ay gagawin ko"
"Gumising kana mula sa iyong malalim na pagkaka-himbing gladys...."
"Gladys!!!!!!!"
Sigaw ng pinsan ko at naramdaman ko na pinalo din niya ako ng unan sa mukha.
"Aray ko ano ba yan'?"
Naiinis na tanong ko sa kanya' napaupo ako sa kama at pinunasan ang mata ko na pakiramdam ko ay marami ata na muta.
"Gladys grabe na yang pagtulog mo ha! ang hirap mong gisingin!"
Naiinis pa din na sabi niya.
"Bakit ba kasi ginising mo ako' sabado ngayon diba? wala naman tayo na Pasok"
Sagot ko ulit sa kanya' tumayo ako sa kama at lumabas ng kuwarto hindi ko na pinansin ang suot ko dahil kami lang naman ni Carmen ang nasa bahay dahil sigurado na si Nanay ay nasa pamilihan' at si tatay naman nangisda na,
Dinaanan ko ang sala at nagpunta ng kusina' dahil sa nauuhaw ako kanina pa pagkagising sa akin ni Carmen.
Habang hawak ko ang baso na nasa bibig ko pa habang naglalakad palabas ng kusina. nagulat ako sa taong nakatingin sa akin na nakaupo sa Sofa na nasa sala.
Nabitawan ko ang baso na hawak ko at napatili na siya naman din labas agad ni Carmen sa kuwarto ko.
"Eeeeeeeee!!!!!"
"Bakit gladys????"
Nagtataka na tanong ni Carmen sa akin' at sinundan niya ng tingin ang mata ko kung Saan ako nakatingin.
Dahil si Ezra nakaupo sa Sofa na napanganga din na nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito' ezra?"
Tanung sa kanya ng pinsan ko' kaya nawala saglit ang pagkatulala niya sa pagkatitig sa akin.
"Good morning Gladys"
Ngiting bati niya muna sa akin'
""Maaga kasi ako nagpunta dito' si Nanay ang naabutan ko kaya pinapasok na niya ako nagmamadali na kasi siya umalis"
Sagot niya kay Carmen' na tumingin ulit siya sa akin. nakita ko pa ang bahagyang paglunok niya kaya nagtaka ako, Napatingin ako kay Carmen na sinesenyas ang suot ko
Napatingin ako sa suot ko' dahil nakashort ako na maikli na malambot at white sando at wala din ako bra, nanlaki ang mata ko dahil ang kabilang didbdib ko ay nabasa pala ng baso na may tubig na nabitawan ko dahil sa pagka-gulat ko.
Halos mawalan ako ng ulirat sa kahihiyan dahil bakas na bakas ang buong kabila na dibdib ko pati ang u***g ko ay kitang Kita sa malinaw na sando ko,
Napatakbo akong bigla sa kuwarto habang nakatakip ang dalawang palad ko sa dibdib ko..