"Lipat pa tayo sa kabila!" Lasing na lasing na sabi ni Yosef habang papalabas kami sa KTV bar. Naka-akbay na lang siya kay Rion na medyo lasing na din. Pare-pareho lang kaming nakainom ngayon, ngunit mas malakas ang tama ni Yosef. Mukhang nalason na naman siya ng alak. Nagtanong din siya tungkol kay Jarred nung makabalik ako sa loob. Actually, silang lahat nagtanong. Sinabi ko na lang na umalis na siya at hindi ko alam kung saan siya nagpunta dahil hindi ko naman talaga alam. "If you want to go to another bar, guys, okay lang. But Aisla and I have to go. Hindi na namin kayo masasamahan," pahayag ni Qino na nakatayo sa tabi ko habang bitbit ang mga regalo na natanggap niya. Bahagya akong napanguso sa sinabi niya. Siya lang naman itong kanina pa gustong umuwi, eh. Pero gusto ko na din nam