Panay ang kuha ko ng larawan kay Qino at Dominic na nakasakay sa carousel dito sa amusement park. Halatang enjoy na enjoy ang kapatid namin kahit na hindi naman ito ang unang beses niyang makapunta dito. Iilan lang din ang pwede niyang sakyan dahil may age restriction 'yung ibang rides. Kung sa height naman magbabase kung pwede na siyang sumakay sa ibang rides, pwedeng-pwede na dahil matangkad siya. Pero dahil takot din kaming isakay siya sa alam naming medyo delikado para sa kanya, hindi namin siya hahayaan. Papatayin kami ng mga magulang namin kapag may nangyaring hindi maganda kay Dominic. "You guys are cute. You're like father and son," natatawa kong sabi nang daluhan na nila ako sa labas ng carousel. "And you're the mom, Ate." Nagulat ako at napalunok sa naging pahayag ng bunso kon