Bago ko mapagpasyahan na daluhan sila sa may garden ay nag-half bath muna ako. At least, may idadahilan ako kung bakit hindi ko kaagad sila napuntahan kung sakali man na may magtanong sakanila. Inayos ko muna ang sarili ko at tiningnan ang phone ko. Umiling ako sa sarili nang makita na may pitong missed calls at tatlong texts ako galing sa kapatid ko. Binuksan ko ang mga 'yon saka binasa mula sa pinaka-una. Galit ka ba? For what I did? I'm sorry if I made you upset again. Hindi ko na po uulitin. I will be mindful with my actions. You going to sleep, baby? I love you. At kahit sobrang naiinis ako sa kanya, hindi ko naiwasan ang hindi mapangiti sa huling mensahe niya. Bwisit talaga! Hindi pwede 'yung ganito palagi. Iniwan ko ang cellphone ko sa ibabaw ng study table saka na tumungo sa