Pinagmamasdan ko ang singsing na nasa palad ko sa ilalim ng mesa dito sa library. Kinakabisado ko ang bawat detalye nito. Ilang beses ko na ding nabilang ang mga maliliit na diamond nito at nasa labing tatlo sila. Hindi ko alam kung papaano nalaman ni Qino ang size ng daliri ko. Nakakaramdam nga din ako ng hiya sa kanya at sa sarili ko kapag naaalala ko 'yung nangyari kagabi do'n sa likod ng bahay namin. Hindi din ako masyadong nakatulog kagabi dahil do'n. That kiss was forbidden. It was against the rules, I won't forget that. But I could bravely be kissed by him again. And Qino's a good kisser, I'd give him that. Baka isa 'yon sa mga kinababaliwan ng ibang babaeng naka-date niya. Kayang-kaya kang tangayin ng mga halik niya sa kung saan. Mabuti na lang at hindi nagising ang mga kasama k