Anika's POV "Zeke!" tawag ko tsaka sinundan ito sa kama. Pagdating ko sa kama ay nakadapa na at nakadipa pa ang mga kamay. Nakalaylay pa ang mga paa sa kama. Lasing na lasing ang loko. "Zeke..." nilapitan ko. Hinila ko para itihaya ngunit hirap na hirap ako. Ang bigat niya. Napansin kong basa ang buhok niya, ganoon din ang suit niya. Mukhang umuulan yata. Hindi naman naririnig dito sa loob. Sa wakas, nagawa ko rin. Nakatihaya na siya ngayon kaya hinubad ko ang kaniyang sapatos. Sinunod ko naman ang kaniyang coat at panloob nito. Nasilayan ko tuloy ang kaniyang six pack abs. Napalunok na lamang ako. Umiwas ako ng tingin. Ibinaba ko ang kaniyang pants at boxer. Hindi naman kasi siya puwedeng matulog na basa dahil baka magkasakit pa siya. "Hay, naku, Zeke. Iinom-inom ka hindi mo n

