CHAPTER 71 MAHAL NA MAHAL

2237 Words

Anika’s POV Napapikit lang ako saglit, pero pagmulat ko, nandoon na agad ang tinig ni professor. “Ms. Ramirez!” Malakas at madiing tawag niya sa last name ko dahilan para maatingin ang buong klase sa akin. Napahawak naman agad ako sa ballpen ko at nagkunwaring nagsusulat. “Po, Sir?” patay malisya. “Hindi ito kwarto para matulog,” seryosong saad ng professor habang nakataas ang kilay. “Kung gusto mong matulog, doon ka sa bahay niyo. Hindi dito sa klase ko.” Ramdam ko ang init sa pisngi ko, parang gusto ko na lang lamunin ng sahig. Napalinga ako, at doon ko narinig ang mahihinang tawanan ng mga kaklase ko. “Pagbigyan niyo na lang po, Sir buntis kasi,” bulong ng isa na hindi man lang tinago ang ngisi. “Kaya laging natutulog.” “Uy, baka paglihian ka pa niyan.” Halakhak naman ng isa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD