Anika Hindi ako mapakali. Ilang beses akong napatayo at muli na naman humiga sa kama. Nandito na naman ako ngayon sa guest room. Ayaw kong makita si Zeke. Ayaw ko rin siyang makatabi. Hindi maalis-alis sa isip kong may anak siya sa EX niya. Siguro kaya hanggang ngayon wala pa din siya dahil nandoon siya sa EX niya. Nandoon siya sa anak niya. Naihagis ko tuloy ang unan na yakap ko dahil sa inis. Sigurado akong pinuntahan niya ngayon ang babaeng 'yon kaya wala pa rin siya hanggang ngayon. "I hate you, Zeke! Ang tanda mo na! Bakit ba ako nagtitiis sa 'yo! I hate you! Hindi dapat ako nagtitiis sa 'yo. Fresh na fresh pa 'ko tapos ikaw ilang taon na lang forty ka na. Kagigil ka! Matanda ka na nga! May anak ka pa sa ibang babae! I hate you!" sigaw ko na umalingawngaw naman dito sa loob n

