Anika Tumakbo kaagad ako palabas ng mansion. Hindi ko pinakinggan ang hinihinging sorry ni Zeke. Inilihim niya sa akin na may anak pala siya sa EX niya. Hindi rin naman ako ang gusto ni Lolo para sa kaniya kaya ano pa bang ginagawa ko dito? Nang makalabas ako ng mansion, tinahak ko kaagad ang malaking gate. Pinagbuksan naman ako ng guard. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na. Bahala na kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. "Anika!" Narinig ko ang sigaw ni Zeke. Sinundan niya ako. Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Alam kong sinusundan niya ako kaya mas lalo ko pa binilisan ang paglalakad ko. "Anika...baby..." muli ay tawag ni Zeke. Nang makita kong kaunti na pang ay maaabutan niya na ako. Tumakbo ako para makatawid ngunit hindi ko napansin na

