Anika's POV "Anika?" Napakurap ang aking mga mata ng sambitin ni Uncle Zeke ang pangalan ko. "Y-yes, Uncle?" Nakatitig na pala ako sa kaniya ng matagal. Pinunasan ko ang pisngi kong natuluan pa yata ng laway. Damn! "What are you waiting for? Aren’t you going to take a shower?" I smiled. "Are we going to have our honeymoon now?" Kaagad na kumunot ang kaniyang noo. "Maligo ka na. Kung ano-anong sinasabi mo." may inis sa boses niya. Sinunod ko na lamang ang sinabi niya. Dala-dala ko ang nighties ko ng pumasok sa banyo. Sayang naman. Akala ko pa naman mapapanuod ko ang pagbibihis niya. Sinimulan ko ng hubarin ang aking wedding gown. Ngunit hindi ko maabot ang zipper sa likod. T-teka...ano ba 'to? Bakit ayaw bumaba? Bumaba ka naman oh! Ilang beses ko ng ginawa ngunit ayaw talag