CHAPTER 7 SECRET WEDDING

2138 Words
Anika's POV Pagbaba namin ng hagdan, unang-una kong nakita si Daddy nakaupo sa couch habang si Manang Ella naman ay nagsasalin ng juice sa baso. "D-Daddy?" Napatayo ito ng makita ako. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko. Napansin ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Halata sa mukha nito ang galit na tila ba nagtitimpi lang. Binalingan ko si Manang Ella. Nagtatanong ang mga tingin ko sa kaniya. Bakit wala dito si Uncle Zeke? Akala ko ba nandito siya. "Walang hiya talaga ang lalaking 'yon. Talagang ibinahay ka na niya. Mapapatay ko ang lalaking 'yon!" galit na galit na sabi ni Daddy habang nakakuyom ang mga kamao. "A-ako po ang pumunta dito, Daddy. H-he didn't force me—" "Huwag mo ng pagtakpan ang lalaking 'yon, Anika! Hindi niya man lang ginalang pagiging magkaibigan namin. Kung talagang seryoso siya sa 'yo, hindi ba dapat pumunta siya sa bahay para hingin sa amin ang mga kamay mo?" Kung alam mo lang, Dad. Ako lang naman itong may kasalanan ng lahat. Walang kasalanan dito si uncle Zeke. Lahat ng ito ay kagagawan ko. Nanatiling lihim sa isip ko ang lahat. Hindi ko na puwedeng bawiin pa ang mga nagawa ko. Nandito na ito kaya itutuloy ko na. "Nasaan na ba ang lalaking 'yon? Bakit wala siya ngayon dito?" "Pasensya na ho, sir maaga po umalis si sir kanina. Ang sabi niya may pupuntahan daw siya at sandali lamang daw siya dahil ihahatid niya pauwi si Anika." sagot ni manang Ella. "Kalokohan! Ang sabihin niya wala talaga siyang balak na iuwi ang anak ko!" dumagundong sa malaking sala ang boses ni Dad. "Daddy, please...calm down." "I can't just calm down, Anika. Malaki ang kasalanan ng lalaking 'yon sa akin kaya ngayon dapat niyang harapin ito. Dapat ka niyang pakasalan!" Napansin kong nanlaki ang mga mata ni manang Ella habang ako napakagat labi na lang. Si Mommy naman ay napahawak sa kamay ko. "I told you, huwag mo gagalitin ang daddy mo." bulong ni mommy sa akin. "Ilang araw ng mainitin ang ulo niya. Minsan nga kami na lang ang nag-aaway." bulong ni Mommy sa akin. "Tawagan mo na ang amo mo! Hanggang kailan kami maghihintay dito? Baka alam niyang nandito kami kaya hindi na siya umuwi?" mas lalo pa lumalakas ang boses ni Daddy. Para bang natakot si manang. Bigla na lamang namutla ang mga labi nito. Kaagad ko itong nilapitan at hinawakan ang kamay. "Manang, ayos lang ba kayo?" pag-aalala ko Tumango naman ito. “Daddy, please lower your voice. You’re scaring Manang Ella.” “How can I not raise my voice? The traitor’s still not here!” Pagkatapos nga magsalita ni Daddy ay tamang-tama naman ang pagbukas ng malaking pinto. Iniluwa mula doon si uncle Zeke. Puno ng pagtataka ang gumuhit sa kaniyang mukha. Nagpalipat-lipat ang kaniyang paningin. Hanggang sa magtagal ito kay Daddy. "Mabuti naman nandito ka na." biglang huminahon ang boses ni Dad. "Romeo?" sambit ni uncle Zeke. Bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagtataka. Humakbang siya palapit sa amin. Wala pa siyang kaalam-alam. "Pumunta kami dito para pag-usapan ang kasal." wala ng paligoy-ligoy na sabi ni Dad. "Kasal?" napaawang ang labi niya. "Bakit? Sa tingin mo ba hahayaan kong makipag-live in lang sa 'yo ang anak ko?" "Live-in?" sambit ni uncle Zeke. "Huwag ka ng magmaang-maangan pa Zeke! Ano pa nga ba itong nadatnan namin dito? Hindi ba't magkasama kayo ng anak ko? Suot pa niya ang shirt mo." turo ni Dad sa akin. Muling bumaling sakin si uncle Zeke. Napansin kong tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Sa laki ng shirt niya umabot naman ang haba nito sa itaas ng aking mga tuhod kaya wala akong dapat na ipag-alala. Hindi naman ako masisilipan. "Nagkakamali ka, pinatuloy ko lang si Anika dito kagabi. Hindi ko naman siya puwedeng pabayaan na magpalaboy sa labas dahil pinalayas niyo. Ako pa rin ang ninong niya." "Ninong?" sarkastikang natawa si Daddy. "Nagpapatawa ka ba, Zeke? Paano mo nagawang pagsamantalahan ang inaanak mo? You're a traitor, Zeke!" turo ni Daddy sa pagmumukha nito. Nag-umpisang mag-init ang pagitan nilang dalawa. Si Daddy galit na galit na ang mukha nito ngunit si uncle Zeke mahinahon pa rin. "Marry my daughter. That’s it. End of discussion." huminahon na rin ang boses ni Daddy. Uncle Zeke shook his head. “I can’t do that.” My eyes widened at his words. He doesn’t want to marry me? It felt like my chest was crushed by a pile of hollow blocks. "I’m willing to provide financial support for the baby, but marriage—” Uncle Zeke paused, then looked at me. “I can’t marry Anika.” Ang bigat sa dibdib ng sinabi niya. "Kung ganoon madali naman akong kausap, Zeke. Kapag hindi mo pinakasalan ang anak ko kakasuhan kita. I will press charges against you for rape by s****l intercourse." "Daddy..." sambit ko. Ayaw ko naman makulong si uncle Zeke. "Tumahimik ka, Anika!" Umiling-iling ako tsaka ko sinulyapan si uncle Zeke. Nakayuko ito at tila ba nag-iisip. "Hintayin mo na lang ang warrant of arrest mo, Zeke." nag-umpisa ng tumalikod si Daddy. "Halika na, Anika! Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa amin!" "P-pero, daddy?" Narinig ko ang pagbuntong hininga ni uncle Zeke. "Pumapayag ako." Namilog ang aking mga mata dahil sa narinig mula sa kaniya. Ang dibdib ko hindi maipaliwanag ang saya. "Pumapayag akong pakasalan si Anika." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. Natigilan si Daddy tsaka ito bumaling kay Uncle Zeke. "Kung ganoon, pakasalan mo kaagad ang anak ko. No one will know about the marriage until Anika turns twenty-one." bumaling sa akin si Dad. “We will only let everyone know that she’s your wife once she turns twenty-one. Alam ng marami ninong ka niya... nakakahiya sa mga tao kapag nalaman nilang asawa ka na niya." ----- Tahimik ang paligid habang dahan-dahan akong lumalakad sa gitna ng simbahan. Kasabay ng bawat hakbang ko ang marahang pagtugtog ng "A Thousand Years" Bawat salita ng kanta ay tila tumatagos sa puso ko. Heart beats fast Colors and promises How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall? But watching you stand alone All of my doubt suddenly Hawak ko ang aking bouquet. Ang wedding gown ko ay halos lumulutang sa bawat yapak ko sa pulang carpet. Mas masaya sana kung maraming nanunuod sa bawat paghakbang ko palapit sa kinaroroonan ng lalaking naghihintay sa akin sa altar. Walang ibang tao dito sa simbahan kundi si Mommy, Daddy, Zeke, ako at ang pari na magbibigay sa amin ng basbas bilang mag-asawa. Our wedding was a secret. This was supposed to be the happiest day of my life, but it was hidden. Walang ibang nakakaalam kundi kami lang. Binalingan ko si uncle Zeke na naghihintay sa akin sa altar. He stood tall and composed, dressed in a black suit. He looked even more handsome than usual... but his face was cold. No emotion. He wasn’t happy. Habang ako, hindi ko mapigilang ngumiti. Sa wakas, ito na. Ang araw na pinangarap ko... na magiging akin na siya. One step closer I have died every day waiting for you Darling, don't be afraid I have loved you for a thousand years I'll love you for a thousand more Tuluyan na akong nakalapit sa altar. Para bang pakiramdam ko kaming dalawa lamang ni uncle Zeke ang tao dito. Siya lang ang nakikita ko sa mga oras na ito at wala ng iba pa. Ewan ko, nababaliw na nga yata ako. Tahimik ko siyang tiningnan habang inabot niya ang kamay ko. Malamig. Hindi lang ang palad niya, kundi pati ang mga mata niya. Ang mga tingin niyang walang bakas na tuwa. Walang bakas ng kasiyahan. Napilitan siyang pakasalan ako dahil sa kahibangan kong makuha siya ng buo. Pero hindi ko pinansin iyon. Pinili kong ngumiti kahit may gumuguhit na sakit sa puso ko. Tumango ang Pari at sinimulan na ang seremonya. “Do you, Zeke, take Anika to be your lawfully wedded wife…” Napatingin ako sa kaniya. Walang emosyon sa kaniyang mga mata. Ngunit matatag siyang tumango. “I do.” Damang-dama ko ang walang gana niyang sagot. Sa akin naman bumaling ang Pari. Bigla akong kinabahan. Kumabog ng todo ang dibdib ko. Parang bomba na sasabog. “Do you, Anika, take Zeke to be your lawfully wedded husband…” Mabilis akong tumango walang pag-alinlangan dahil buo ang puso ko para sa taong nasa harapan ko ngayon. “I do.” nakangiting sagot ko. Dumating na ang oras ng vows Inilabas ni Zeke ang maliit na papel sa bulsa ng kaniyang coat. Maiksi lang ang binasa niya ngunit wala pa ring emosyon. Nang ako na ang magsalita, nanginginig ang boses ko. Pero buong-buo kong binigkas ang vows ko. Galing sa puso. "You may now kiss the bride." Mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi ng Pari. Para bang tuluyan g sumabog. Halos hindi ko na rin marinig ang nasa paligid dahil t***k na lang ng puso ko ang naririnig ko. He’s going to kiss me. This is it! Lumapit siya sa akin. Dahan-dahan niyang inangat ang belo ko. Nagtama ang aming mga paningin. Sa ilang segundong iyon, wala akong ibang hiling kundi ang sana… sana kahit konti, mahalin niya rin ako. Naipikit ko ang aking mga mata. Nagulat na lang ako ng bigla niyang hapitin ang aking bewang para mas mapalapit pa lalo sa kaniya. Naimulat ko ang aking mga mata. "Paano kita mahahalikan kung napakalayo mo sakin?" may inis sa boses niya. Mas humigpit ang pagkakahapit niya sa bewang ko. Para bang nag-racing na ang hininga ko at ang t***k ng aking puso. Lalo na ng ilapit niya sa akin ang kaniyang mukha. Sunod-sunod akong napalunok. Sobrang lapit na ng kaniyang mukha kaya halos maduling ako sa pagtitig sa kaniya. Nalalanghap ko nanrin ang napakabango niyang hininga. "What are you waiting for, Anika? Close your eyes." maawtoridad na bulong niya sa akin. "Huh?" ipinikit ko kaagad ang aking mga mata at hinintay ang pagdampi ng kaniyang mga labi. Ilang segundo ang nakalipas, naramdaman ko ang malambot nitong labi. Ngunit sandali lamang iyon. Kaagad din niyang binawi. "That's all for now." bigla niyang bulong sa akin kaya naimulat ko ang aking mga mata. Anong ibig niyang sabihin doon? Hindi niya na hawak ang bewang ko. Nakatingin na siya sa kinaroroonan nila Mommy. Habang ako, hindi ko pa rin nababawi ang kilig ko. Ang sandaling pagdampi ng labi niya ay tila nagpalutang sa akin sa ere. And Finally, I'm now Mrs. Achille. Napangiti ako sa kawalan. Nagtagumpay ako sa mga plano ko. Asawa ko na ang lalaking pangarap ko. ------ Dumiretso kami sa isang hotel. Excited na ako sa aming honeymoon. Hindi ko na mapigilan ang mga ngiti kong umaabot na yata sa aking tenga. Yung kaba ko, mas lalong nadagdagan lalo na ng matapat kami sa pintuan. Pagbukas ng pinto ng Executive Suite, agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang amoy ng mamahaling linen. Tahimik akong pumasok, kasunod si uncle Zeke na hindi nagsasalita. Ayaw nga man lang tumingin sa akin. Ang lugar ay mas malaki kaysa sa inaasahan ko...may sariling sala, eleganteng dining area, at isang king-size bed na napapalibutan ng sheer white curtains. Sa sulok ay may balcony na tanaw ang city lights. "Napakaganda naman dito, Uncle." baling ko sa kaniya habang nakangiti ng malapad Tumaas ang kaniyang mga kilay. "You shouldn’t be calling me Uncle anymore, Anika," he said coldly. "Huh? Then what should I call you?" "Call me whatever you want," he said while walking toward the bathroom, taking off his coat and shirt one by one. "Pagkatapos kong maligo, maligo ka na rin o baka gusto mo sumabay?" bumaling siya sa akin. Kakaiba ang gumuhit na ngiti sa kaniyang labi. Sunod-sunod akong napalunok. Para bang inaakit niya ako. Jusko! "Ah—eh! M-mauna ka na." nakangiwing sabi ko tsaka napakamot sa aking batok. Hindi pa ako handa. Kinakabahan ako. Hindi na siya muling bumaling sa akin. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng banyo habang ako ito paikot-ikot sa kinaroroonan ko habang kagat ang aking kuko. Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Dapat ko na bang ihanda itong nighties ko? Nilapitan ko ang maleta na dala ko. Si Zeke ang nagdala nito pagpunta namin dito. Yes, I came prepared. May dala akong nighties. Inilabas ko ito at itinaas sa ere. Pinagmasdan ko ito habang kagat ang aking mga labi. Kapag suot ko na ito litaw ang hubog ng katawan ko at litaw na litaw rin ang makinis at maputi kong mga hita. Kaagad kong itinago ang nighties nang marinig kong bumukas ang pintuan ng banyo. Napalingon ako kaya naman nasilayan ko ang asawa kong nakatapis lamang ng tuwalya habang nagpupunas ng basa niyang buhok. My goodness! He looks so hot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD