Anika's POV
"Are you really sure you're pregnant, Anika?"
Nag-angat ako ng tingin. Nakaupo na kasi ako ngayon sa couch. Tuluyan niya na akong pinapasok dito sa bahay niya. Akala ko, ipagtatabuyan niya ulit ako dahil sa pagtaas ko ng boses sa kaniya. Tinawag ko pa siyang matanda.
Tango na lamang ang isinagot ko sa tanong niya. Nakakaramdam ako ng guilty pero iisipin ko pa ba 'yon? Nandito na ako. Sinimulan ko 'to kaya paninindigan ko.
"Sigurado ka bang ako ang ama niyan?"
Kaagad na kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "Ano ba ang akala mo sakin? Akala mo ba marami akong lalaki sa buhay ko? Ganoon ba ang tingin mo sa akin?"
Kung alam mo lang, wala pang dumaan na lalaki sa buhay ko. Kung alam mo lang na virgin pa rin ako hanggang ngayon.
"That's not what I meant, Anika. I just want to be sure."
"Parang ganoon na rin yung gusto niyong iparating. Akala niyo ba nakikipag-s*x ako sa kahit na sinong lalaki?" medyo tumaas ang boses ko. Para kasing hinuhusgahan niya ang pagkatao ko.
"Anika, umupo ka ng maayos." sita niya ng bigla kong ipinatong ang mga paa sa couch at niyakap ang aking mga tuhod.
Ibinaba ko rin ang aking mga paa. Napansin kong umiwas na naman siya ng tingin. "Nilalamig na kasi ako eh!" nakangiwing sabi ko sa kaniya.
Tumikhim siya. Lumingon siya sa kabilang banda nitong sala. "Manang!" sigaw niya.
Maya maya lang ay may isang matandang babae na lumapit sa amin. "Sir, may iuutos ho pa kayo sa akin?" tanong nito sa kaniya.
"Samahan mo si Anika sa magiging kwarto niya ngayong gabi." utos niya dito. Tumayo siya at tumalikod na. Tumayo na rin ako.
"Ngayong gabi? Ngayong gabi lang?" pahabol na sigaw ko sa kaniya.
“Anika, wala akong balak na patirahin ka dito. First thing tomorrow morning, I’m taking you back to your parents. I don’t want to get charged with child abuse,” he said coldly.
"Child abuse? For your information eighteen na ako, ninong!" sigaw ko.
"Wala akong pakialam, Anika. Basta't ngayong gabi dito ka matutulog pero bukas aalis ka rin at babalik sa mga magulang mo. Wala akong balak na mag-ampon ng batang makulit. Oh, and about your pregnancy, don’t worry. I’ll support the child financially.” He walked away without another glance.
Hindi ko alam kung anong mga susunod kong hakbang para hindi na niya ako paalisin.
"Senyorita, halika na sa silid mo. Basang-basa ka baka magkalagnat ka. Ako nga pala si Manang Ella mo. Narinig kong Anika ang itinawag sa iyo ni sir. Tama ba ang narinig ko? Anika ang pangalan mo?"
"Opo."
"Napakagandang pangalan."
Habang naglalakad kami at tinatahak ang matutulugan ko ay hindi ko maiwasan na magtanong. "Manang, puwede ba magtanong?"
"Ano 'yon, senyorita?"
"Byudo ba yung amo mo? Bakit ganoon ka-sungit 'yon? Ganoon ba talaga ugali niya? Napakalamig niyang magsalita. Para bang siya na yung pinakamalungkot na tao dito sa mundo."
Biglang natawa si Manang Ella. "Ano ka ba, hindi byudo si sir. Sa katunayan nga ay may girlfriend iyon. Wala pang naging asawa si sir."
"G-girlfriend?" nagulat ako dahil sa narinig ko. Hindi ko inaasahan 'yon. Para bang kinurot ng ilang nail cutter ang puso ko. Para bang lahat ng pangarap kong magiging akin siya ay wala ng pag-asa.
Kahit pa pala magpapanggap akong buntis ay hindi pa rin siya magiging akin. Dahil may nagmamay-ari na sa kaniya. Nakakalungkot isipin 'yon. Nagsisi pa tuloy ako kung bakit ko pa itinanong 'yon.
"Oo, may girlfriend si sir. Minsan niya ng dinala 'yon dito. Nakalimutan ko nga lang kung anong pangalan no'n. Basta nagsimula 'yon sa letter A. Nakalimutan ko, makalimutin na kasi ako ngayon. Maganda at sexy ang girlfriend ni sir."
Mas lalo akong nawalan ng pag-asa dahil sa sinabi ni Manang. Mas maganda at sexy ba sakin 'yon? Maganda naman ako ah? Sexy rin naman ako.
"Kaso nga lang matagal na iyong hindi pumupunta dito. Si sir Zeke naman ay minsan hindi umuuwi dito. Baka sa condo niya na dinadala yung girlfriend niya."
Mas lalo akong nasaktan sa sinabi ni Manang. Kaya pala, ganoon na lang siya kailap sakin.
"Nandito na tayo, senyorita." huminto si Manang sa tapat ng pintuan. Binuksan niya ito. Nauna siya at nakasunod lamang ako sa kaniya.
Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Malawak, may malaking kama at may sa kabilang banda naman ay naroon ang banyo.
"Kwarto ito ni sir Zeke noon. Mabuti na nga lang at nalinis ko ito kanina. Tamang-tama naman ang pagpunta mo rito." paliwanag ni Manang.
Naglakad ako palapit sa kama at umulo. Napakalambot at mukhang ang sarap sarap matulog. Mas malambot yata ito sa kama ko sa bahay.
"Napakalaki ng kama, Manang."
"Katulad nga ng sabi ko, senyorita. Kwarto ito ni sir Zeke."
Napangiti ako ng palihim. Para ko na rin kayakap si uncle Zeke.
"Unan niya rin ba 'to, Manang?" kinuha ko ang unan at niyakap. Inamoy -amoy ko pa. Para bang naaamoy ko ang pabango ni uncle Zeke.
Iba talaga ang amoy niya, nakakaadik na nakaka-inlove pa. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Bakit sa dami ng lalaki dito sa mundo? Bakit nagkagusto pa ako sa kaibigan ng daddy ko?
"Oo," nakangiting sagot ni Manang.
Nang sabihin niya 'yon. Mas lalo ko pa itong niyakap ng mahigpit.
"Basang-basa ka, senyorita. Siguro kailangan mo ng maligo."
"Oo nga pala. Nawala kasi ang lamig na naramdaman ko kanina. Nakalimutan kong basa nga pala ako. P-pero wala akong kahit na anong saplot na dala, Manang."
"Huwag ka mag-alala sasabihin ko iyan kay sir. Maiwan na muna kita. Pupuntahan ko si sir para ipaalam sa kaniya na wala kang maisusuot."
"S-sige po. Maraming salamat po, Manang."
Nang makaalis si Manang hindi ko mapigilan na mapangiti na lang. Napakaganda ng room na ito. Tumayo ako para ikutin ang buong kwarto. Pumasok ako sa walk-in closet.
Nandito pa ang iilang mga gamit ni uncle Zeke. Nagawa ko pa nga amuyin ang polo niya. Meron kaya siyang briefs dito?
Napangiti na lamang ako dahil hindi ako nabigo. Nakita ko ang iilang mga briefs niya sa lagayan nito.
Para akong baliw na tumatawa dito mag-isa. Hindi ko ma-imagine ang sarili. Baliw na yata ako. Ibinalik ko sa lalagyanan ang briefs ni uncle Zeke. Wala akong balak na kunin 'yon. Tiningnan ko lang.
Bigla ko tuloy naalala ang gabing hinubaran ko siya. Nanghinayang tuloy ako kung bakit hindi ko man lang sinilip 'yon. Sana may idea na ako kung gaano kalaki 'yon.
Napahagikhik ako ng tawa. Ewan ko ba, ang halay ng utak ko. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Iniling-iling ko ang aking ulo para mawala sa isip ko ito.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas, tumigil din 'yong imagination ko. Lumabas ako sa walk-in closet at nagtungo sa banyo.
Isa-isa kong hinubad ang mga saplot ko at nagtungo sa shower room.
------
Third POV
Tulala na nakatanaw mula sa glass window si Zeke. Hindi makapaniwalang aabot sa ganito ang pangyayari sa buhay niya. Hindi makapaniwalang nabuntis niya ang anak ng kaibigan niya at ngayon, nandito ito sa bahay niya.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.
Anika was beautiful, sexy with flawless skin. Sino ang hindi magkakagusto sa dalaga?
Kanina ng makita niya itong basang-basa ng ulan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Lalo na ng bumakat ang suot nitong bra sa basang-basa nitong puting tshirt. Para bang may nabuhay sa loob niya. Hindi niya akalaing mararamdaman niya 'yon sa dalaga. Mali ang naramdaman niya. Maling-mali dahil napakabata pa nito compared sa edad niyang trenta sais.
Pero katulad nga ng sabi niya, hinding-hindi mangyayaring magkagusto siya dito dahil may nobya na siya. Si Angel lang ang mahal niya at wala ng iba. Hindi niya ito ipagpapalit kahit na kanino.
Nagpapalipas lamang siya ng ilang araw bago niya kakausapin ang nobya. Para bang wala pa siyang lakas na loob na harapin ito lalo na ngayong nandito si Anika at nabuntis pa niya ito. Mas lalong naging komplikado.
Kapag nalaman ito ni Angel, sigurado siyang magagalit at makikipaghiwalay ito sa kaniya.
Hindi niya alam kung makakaya ba niya iyon. Lalo na at mahal na mahal niya ito. Hindi niya yata kayang layuan siya ng kaniyang nobya.
Sa kaiisip, narinig niya ang mga katok mula sa pintuan nitong kwarto niya. Napalingon siya doon.
"Sino 'yan?"
"Ako po ito, sir."
Si Manang Ella ang nasa labas. Ano kaya ang kailangan nito?
"Pumasok ka, manang!"
Unti-unting bumukas ang pintuan nitong kaniyang kwarto. Iniluwa mula doon si Manang Ella.
"Sir, pasensya na kung na-abala kita. S-si Anika kasi...wala siyang pamalit. Wala daw siyang dalang damit."
"I know." tipid na sagot niya. Walang ibang dala ang dalaga kundi ang sarili lamang nito.
"Gusto niyo bang bilhan ko muna sandali ng pamalit yung bata."
"Hindi na siya bata, manang." kaagad na bara niya.
"Eh! Dalaga na nga po, sir." biglang napakamot ng ulo si manang.
"Tell her she can wear one of my big shirts from the closet. She’ll be going home tomorrow anyway. There’s no need to buy her clothes. Wala akong balak na patagalin siya dito." malamig niyang tugon.
"Ah, s-sige ho sir. Kung ganoon ay lalabas na ho ako. Sasabihin ko na lamang sa kaniya." paalam ni manang. Tumalikod na ito at tinahak ang pintuan.
Bago pa man makalabas ng tuluyan si manang Ella ay tinawag niya ito. "Manang Ella, sandali!"
Napalingon ang matanda. "Bakit ho, sir?"
“Tell her to wake up early tomorrow. I’m taking her home first thing in the morning.”
"Sige ho, sir. Sabihin ko ho ito sa bata—ay este sa magandang dalaga."
Tuluyan na ngang lumabas si manang Ella. Hinawi niya na ang makakapal na kurtina para matakpan ang glass window.
Naghubad siya ng mga saplot at tinahak ang banyo para maligo. Nakaramdam siya ng pang-iinit ng katawan kaya kailangan niyang magpalamig.
------
Anika's POV
Tapos na akong maligo ngunit wala pa si manang Ella. Hinila ko ang tuwalya na nakasabit tsaka ibinalot sa aking katawan.
Lumabas ako ng banyo na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa akin.
Natigilan ako ng bigla na lamang bumukas ang pinto nitong kwarto. Napalingon ako at tumambad sa aking paningin si manang Ella.
"Ikaw pala, manang. D-dala niyo na ho ba ang pamalit ko?"
"Ang sabi ni sir Zeke puwede mo raw suotin ang malalaking tshirt niya sa closet. Pumili ka na lamang daw doon."
"T-talaga?"
Parang ikinatuwa ko pa.
Siyempre masusuot ko ang tshirt niya. Hindi ba't exciting 'yon. Parang mag-asawa lamang kami.
"Oho, senyorita...tsaka nga pala may ibinilin pa siya sa akin. Kung maaari daw ay maaga kang gumising bukas dahil maaga ka raw niyang ihahatid sa inyo."
Bigla na lamang bumagsak ang mga balikat ko. Talaga ngang ihahatid niya ako pauwi. Ayaw ba niya na nandito ako?
Hindi ako nakapagsalita.
"Lalabas na ako, hija. Kapag may kailangan ka huwag ka mahihiyang tawagin ako."
"S-sige ho, manang."
Tuluyan ng lumabas si manang kaya naman nagtungo na lamang ako sa walk-in closet. Naghanap ako ng puwede kong masuot.
Sa wakas! Nakahanap rin ako. Isang malaking white shirt ang napili ko.
P-paano naman ang underwear ko? Hindi yata naisip 'yon ni uncle Zeke. Patutulugin ba niya akong walang suot na underwear. Baka kabagan ako kinaumagahan paggising ko.
Wala akong choice kundi maghanap ng underwear. Napaka-imposible naman yatang magkaroon ng panty dito sa closet niya.
Napangiti ako nang makitang muli ang briefs niya.
Puwede ko naman siguro itong suotin. Bahala na. Ito na lamang kaysa naman matulog akong walang panty.
Hindi ako makapaniwalang suot ko ngayon ang underwear ni uncle Zeke. Suot ko rin ang damit niya kaya feeling ko kasama ko siya.
Ang laki ng mga ngiti kong nagtungo sa kama. Ang sarap naman palang isuot nitong briefs. Medyo maluwag pero ayos lang. Masarap naman sa pakiramdam. Presko nga eh!
------
Ang sarap ng tulog ko, hindi ko namalayan na umaga na pala. Nang sulyapan ko ang wall clock ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang alas nuebe na pala ng umaga.
Bilin pa naman sa akin ni manang kagabi na maaga raw akong gumising.
Tsk! Bahala na nga. Siya lang naman may gusto na umuwi ako. Ayaw ko na ngang umuwi eh! Gusto ko dito na lang ako.
Tumayo ako mula sa kama at tinungo ang glass window para hawiin ang makapal na kurtina. Nasilayan ko ang araw. Ang sarap sa pakiramdam. Nagbago na yata isip ni uncle Zeke. Hindi niya na yata ako ibabalik sa amin.
"Good morning rise and shine vella!" itinaas ko ang aking mga kamay. Feel na feel ko ang sikat ng araw.
Natigilan na lamang ako nang marinig ang sunod-sunod na mga katok sa pintuan nitong kwarto.
Si Manang kaya 'yon?
Naglakad ako patungo sa pintuan. Palakas na palakas kasi ang mga katok. Parang gusto ng sirain ang pintuan.
Binuksan ko ito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng masilayan ko si Mommy.
A-anong ginagawa niya dito?
"Nagulat ka ba anak?"
"M-mommy, a-anong ginagawa mo dito?"
Sinuyod niya ako ng tingin. Nanlaki na naman ang mga mata ko nang maalalang suot ko nga pala ang briefs ni uncle Zeke at ganoon din ang malaki nitong tshirt. Kaya pala ganiyan na lang kung makatingin sa akin si Mommy.
"So, nagsasama na kayong dalawa?" hindi makapaniwalang tanong ni Mommy
Hindi ako nakapagsalita.
"Jusko naman sumasakit ang ulo ko sa 'yo, Anika. Bakit ka ba nagkakaganiyan? Hindi ko mapapalampas 'to. Ang daddy mo hindi na nakakatulog. Hindi puwedeng magsasama lang kayong dalawa ng ganito. Hindi kita pinalaki para mapariwala lang." bigla na lamang akong hinila ni Mommy palabas ng kwarto.
"M-mommy, hindi po ako uuwi."
"At sino nagsabi na uuwi ka? Hindi ka uuwi dahil ipapakasal kita."
"Ho? K-kanino po?" bigla akong kinabahan.
"Kanino pa ba? Kundi sa lalaking nakabuntis sa 'yo. Akala mo ba hahayaan na lang namin ng daddy mo ito? Akala mo ba hahayaan namin na makipag-live in ka diyan sa kaibigan ng daddy mo? Hindi ka namin hahayaan, Anika."
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ikakasal nila ako kay uncle Zeke. Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. Totoo ba yung narinig ko? Ipapakasal nila kami?
Masayang-masaya ako kung ganoon nga ang mangyayari. Ngunit si uncle Zeke kaya? Masaya rin kaya siya?