Anika's POV
"Wala ka ng puwang sa bahay na ito, Anika! Simula ngayon kakalimutan kong naging anak kita!" malakas na sigaw ni Daddy pagkatapos niya akong kaladkarin palabas ng bahay.
Umiiyak naman si Mommy. Patuloy na pinipigilan si Daddy.
"Daddy..." nagawa kong umiyak, nagmakaawa na huwag niyang palayasin.
Kasalanan ko rin naman ito. Nagsinungaling ako. Hindi ko inaasahang aabot sa ganito. Akala ko kasi hahantong sa kasalan ang pagsisinungaling ko ngunit hindi. Mas lalo lang pala magagalit si Daddy.
"Wala kang madadalang gamit kahit isa, Anika! Pinili mo 'yan kaya panindigan mo! Ewan ko lang kung paninindigan ka ba ng lalaking 'yon!" galit na galit pa rin na sigaw ni Daddy. "Umalis ka na!" turo ni Daddy sa malaking gate.
"Romeo, anak mo pa rin si Anika. Paano mo nagagawang ipagtabuyan ang anak natin?" pakikipagtalo ni Mommy kay Daddy.
"Huwag mo na subukan pa ipagtanggol ang anak mo, Alita. Ilang beses akong nagpaalala sa kaniya. Kahit na anong bait ng tao may hangganan din!" madiing sabi ni Daddy. Inutusan niya si Manang na isarado ang gate.
Naiwan akong tulala sa labas. Wala na kahit peso o gamit na nadala.
Anong gagawin ko?
Tuluyan na ngang isinarado ni Manang ang gate. Habang ako, hindi alam kung saan pupunta.
Tumulo ang mga luha ko na ilang beses nang nangyari pagkatapos ng debut ko. Simula ng magdalaga ako hindi ko na naranasan pa na umiyak. Ngayon ko na lang ulit naranasan ito.
Hindi ko alam ngayon kung saan ako pupunta. Ilang minuto akong nagmakaawa sa labas ng gate na pagbuksan ngunit hindi man lang nila ako pinakinggan.
Gusto kong bawiin ang sinabi kong buntis ako ngunit hindi na nakinig pa si Daddy. Sarado na ang isip niya.
Saan ako pupunta ngayon?
Isa lang ang naisipan kong puntahan. Walang iba kundi ang bestfriend kong si Mila.
Sabado ngayon kaya sana nasa kanilang bahay siya ngayon.
"Miss, magpapakamatay ka ba?"
Natigilan ako nang bigla na lamang may bumusina at sumigaw sa aking harapan. Hindi ko napansin nandito na pala ako sa gitna ng kalsada. Muntikan na akong masagasaan.
Tumabi na lamang ako at muling naglakad para tahakin ang bahay nila Mila. Malapit na ako sa kanila.
Mula dito sa kinaroroonan ko ay natanaw ko na ang bahay ng bestfriend ko. Simple lang ang pamumuhay nila Mila. Hindi sila mayaman, ang alam ko lang pinag-aaral lang siya ng tiyahin niya kaya nakapag-aral siya ng kolehiyo.
Nasa isang skwater area ako ngayon kaya masikip ang daan at marami rin nakatambay at nag-iinuman.
Sa wakas! Nandito na rin ako sa tapat ng pintuan ng bahay nila Mila. Maingat akong kumatok sa pinto.
Ilang beses akong kumatok bago may bumukas sa pintuan.
Lumapad ang mga ngiti ko ng makitang si Mila ang bumukas sa akin ng pinto
"Anika?"
"Mila..."
"Anong ginagawa mo dito? Pasok ka!" pinapasok niya ako. Niluwagan niya ang pintuan kaya tuluyan akong pumasok sa loob.
Maliit lang ang bahay nila Mila. Lima silang magkakapatid kaya medyo nagsisiksikan sila dito sa loob ng kanilang bahay.
"Bakit ka napadalaw dito?"
Umupo kami sa kanilang sofa.
"Pasensya ka na. Magulo pa yung bahay. Mga kapatid ko kasi ang kukulit."
Maliliit pa ang ibang kapatid ni Mila.
Paano ko ba sasabihin kay Mila ang problema ko?
"Bruha ka, bakit hindi ka na pumapasok. Balita ko aalis na raw kayo."
"Ah, o-oo, k-kaya nga ako pumunta dito para magpaalam sa 'yo." pagsisinungaling ko. Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya na ginawa ko yung suhestiyon niya sa akin.
Baka pagtawanan niya lang ako. Dahil ito na nga ang bunga, pinalayas ako ng sarili kong pamilya.
Saan kaya ako matutulog ngayon? Hindi ako puwedeng makitulog dito sa bahay nila Mila. Sa kanila pa nga lang ay masikip na. Ayaw ko ng dumagdag.
"Bakit bigla kang tumahimik diyan?" untag niya.
"W-wala lang, p-puwede ba akong matulog dito kahit ngayong gabi lang?"
Napansin kong nag-iba ang reaksyon sa kkaniyang mukha. "Hindi ka ba hahanapin ng Daddy mo? I mean—alam ba nilang makikitulog ka ngayon dito?"
"Walang tao sa bahay."
Biglang napangiti si Mila. "Kaya naman pala. Puwedeng-puwede ka matulog dito, 'yon nga lang makakaya mo kaya makipagsiksikan sa mga kapatid ko? Iisang kwarto lang naman kami dito ng mga kapatid ko."
"Siguro naman kaya ko." sagot ko.
Wala na akong choice kundi ang magtiis na lang.
Bukas na bukas ay hahanapin ko si Uncle Zeke. Siguro naman hindi niya ako pababayaan.
"Mila, sigurado ka bang nagpaalam 'yang kaibigan mo sa magulang niya?" tanong ng Mama ni Mila.
Nasa hapag kainan kami ngayon kumakain na.
Mabuti na pang mabait ang Mama ni Mila. Ang Papa niya ay wala dito dahil nagtatrabaho ito sa malayong lugar. Stay in kaya minsan lang daw ito umuuwi.
Kahit na ganito, masaya naman silang pamilya. Makukulit nga lang mga kapatid ni Mila ngunit nakakatuwa sila.
"Wala raw po tao sa kanila, Mama kaya naisipan ni Anika dito muna matulog ng isang gabi." sagot ni Mila.
"Naninigurado lamang ako. Baka kasi hahanapin ang kaibigan mo."
Hindi niyo lang alam. Pinalayas na ako ng sarili kong magulang. Hindi ko nga alam kung paano nila nagawa sakin 'to
Kahit naman siguro gaano pa kalaki ang kasalanan ng anak hindi naman siguro matitiis ng magulang. Pero bakit ako? Kung gaano kami ka-close ng Daddy ko, ganoon din ang galit na namuo sa kaniya.
Pagkatapos kumain ng hapunan ay nagtungo na kami sa kwarto. Ang iingay ng mga kapatid ni Mila.
"Ate, unan ko 'to!" sigaw ng isa niyang kapatid.
"Akin 'to."
"Akin 'to eh!"
Nag-aagawan na sila ngayon sa unan.
"Pasensya ka na sa mga kapatid ko. Ang kukulit nila. Tuwing weekends ko lang din naman sila nakakasama. Kaya na-mimiss ko rin kakulitan nila. Kapag weekdays kasi nasa bahay ako ng tiyahin ko."
"Mabait din ba ang tiyahin mo?"
"Oo, naman. Kaya nga nila ako pinag-aaral. Wala akong masabi sa tiyahin ko."
"Mabuti naman pala kung ganoon."
"Matulog na nga tayo." humiga na si Mila. Habang ako sinusuyod pa ang bawat sulok nitong kwarto.
Hindi na ako nag-inarte pa. Wala na akong choice kundi sumiksik na lamang sa tabi ni Mila.
Kinaumagahan nga ay nagpaalam na kaagad ako kay Mila.
Nagawa ko pa manghiram sa kaniya ng damit na maisusuot. Suot ko ngayon ang kaniyang white tshirt at maong pants.
"Mabuti na lang kumasya sa 'yo."
"Oo nga eh! Halos magkapareho lang naman pala tayo ng size." sabi naman ni Mila. "Bakit kasi umalis ka ng bahay na walang dalang bihisan. Plano mo pala matulog dito hindi ka man lang nagdala ng mga saplot mo. Mabuti na lang may naitabi akong panty sa drawer. Kung wala, baka wala kang nagamit ngayon."
"Kaya nga eh! Salamat ah." napakamot na lang ako sa aking ulo. "S-salamat, Mila. Aalis na ako." paalam ko sa kaniya.
"Uuwi ka na?"
"Ahm!" natigilan ako. Ang totoo, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayn. Ngunit bahala na. Hahanapin ko si uncle Zeke.
"Oo, uuwi na ako." pagsisinungaling ko.
"Sige, ikaw bahala. Na-miss kita eh! Aalis na ba talaga kayo?"
"Hindi ko pa alam."
"May chance pa naman na hindi matuloy hindi ba?"
Tumango na lamang ako. Ang dami ko ng kasinungalingan sa buhay ko. Si Mila, sila Daddy at Mommy at maging si uncle Zeke napagsinungalingan ko.
Hindi na ako nagtagal pa dahil kailangan ko pa hanapin si uncle Zeke. Baka maabutan ako ng gabi hindi ko pa siya mahanap. Saan ako matutulog. Ayaw kong matulog sa banketa.
Mabuti na lamang nakagamit ako ng computer ng libre. Hinanap ko ang information si uncle Zeke sa social media. Napag-alaman kong CEO pala siya ng Achille Enterprises corp.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan ang bulding na 'yon. Ngunit hindi ako pinapasok.
"Please, miss gusto ko lang po makausap si Mr. Achilles." pakiusap ko sa front desk.
"I'm sorry, Miss. Wala kang appointment kaya hindi kita puwedeng papasukin sa loob. Isa pa, hindi ka raw kilala ni Mr. Achilles."
"A-ano? P-paanong hindi niya ako kilala. Inaanak niya ako. Pakisabi sa kaniya. Ako 'to si Anika."
"I'm really sorry, Miss. Mas lalong ayaw ka niyang papasukin."
"Ano?"
Napakamot ako sa aking ulo. Sinubukan kong tumakbo para pumasok sa loob ng elevator ngunit naabutan ako ng dalawang guard.
"Miss, bawal ka sa loob. Mas mabuti pa siguro gumawa ka ng assignment mo. Hindi yung nanggugulo ka dito." sabi ng guard sa akin.
"Gusto ko lang makausap si Mr. Achilles. Please papasukin niyo 'ko."
"Hindi nga puwede. Bawal ang underage dito."
"Ano? For your information, eighteen na ako!"
"Mukha kang bata eh!"
"Ano?" pinameywangan ko ito.
"Umuwi ka na. Mawawalan pa ako ng trabaho sa iyo eh!"
"Kung papapasukin mo ako hindi ka mawawalan ng trabaho."
"Bakit naman?"
"Dahil magiging asawa niya na ako soon."
Biglang natawa ang guard. "Sira na yata ang tuktok mo. Napakabata mo pa. Sigurado akong hindi ka papatulan ni Mr.
Achilles. Mga bata nga naman ngayon. Ang lalakas ng amats. Ano bang ginamit mo?" tumatawang tanong nito sa akin.
"Ilabas na natin ang babaeng ito. Utos ng nasa taas." biglang nagsalita ang isang guard.
"Narinig mo 'yon? Pinapalabas ka ng head namin. Sigurado akong utos 'yon ni Mr. Achilles. Kaya kung ako sa iyo, Miss, mag-aral na lamang ako ng maayos para hindi ka palaboy-laboy dito."
Tuluyan na nga nila akong hinila palabas.
Hindi na man lang ako nakahanap ng paraan para makapasok sa loob. Sobrang higpit ang pagbabantay nila.
Mabuti na lamang at nakagawa ako ng paraan para malaman kung ano ang address ng bahay ni uncle Zeke.
Narinig kong nag-uusap ang dalawang staff na babae at narinig kong pinag-usapan nila kung saan nakatira si Uncle Zeke. Kaagad ko itong tinandaan. Hindi ko inalis sa isip ko.
------
"Uncle Zeke!" pagsisigaw ko sa labas ng gate. Nasa labas ako ng bahay niya ngayon. Mag-gagabi na kaya mas minabuti kong marinig niya itong sigaw ko.
Tama naman siguro itong pinuntahan ko. Bahay niya 'to. Nakita ko rin ang signage. Achilles Residence. Kaya sigurado akong bahay niya ito.
Napakalaki ng bahay niya.
Hindi ko nga alam kung naririnig niya ako.
Kinalampag ko ang malaking gate. Mula sa maliit na bintana ng gate ay sumilip doon ang guard.
"Ano po ang kailangan niyo, ma'am?"
"Gusto ko sanang makausap si Uncle Zeke."
"Wait lang po, ma'am tatawag ako sa loob."
Naghintay ako ng ilang minuto bago muling sumilip ang guard.
"Busy raw si Mr. Achille, ma'am bumalik na lamang daw kayo sa susunod na araw."
"Ano? Pakisabi si Anika 'to. Inaanak niya."
"Ayaw ho talaga magpa-isturbo ni Mr. Achille, ma'am."
Bumagsak na lamang ang mga balikat ko. Mukhang ayaw akong harapin ni Uncle Zeke.
Napatingala na lamang ako dahil sa unti-unting mga patak ng ulan na tumama sa aking mga balikat.
"Uulan na." sambit ko.
Muli kong kinalampag ang gate kaya naman muling sumilip ang guard.
"Ma'am, please lang huwag kayong gumawa ng eskandalo rito."
"Sabihin mo diyan sa boss mo! Hindi ako aalis dito hangga't hindi siya lumalabas para harapin ako." inis na sigaw ko dito.
Mas lalo naman lumalakas ang mga patak ng ulan. Nababasa na rin ako. Ngunit wala yata sa isip ko ang sumuko.
Mas lumakas pa ang ulan kaya dinama ko na lamang ang bawat pagpatak nito sa akin.
"Ma'am, umuwi na ho kayo!"
"Hindi ako aalis dito!"
"Open the gate, Dominic!"
Kumabog ng husto ang dibdib ko ng marinig ang boses ng uncle ko. Siya 'yon. Hindi ako puwedeng magkamali. Boses niya 'yon.
The gate slowly opened.
And there he was...the man I admired. Uncle Zeke.
Seryoso itong nakatingin sa akin.
"Sira na ba ang tuktok mo at nagpapaulan ka diyan?" seryosong tanong niya sa akin.
"Uncle Zeke!" tumakbo ako papasok sa loob. Hindi ko nga alam kung bakit niyakap ko siya. Naramdaman ko kung gaano katigas ang dibdib niya.
Basang-basa ang damit ko kaya nabasa na rin siya.
"Anong ginagawa mo dito, Anika?" nagbaba siya ng tingin habang ako naman ay nakatingala sa kaniya. Kaya naman nagtama ang aming mga paningin.
"P-pinalayas ako ni Daddy."
"So... you need help?" he asked coldly.
"H-hindi ba't ninong kita? Hindi ba dapat kapag ninong siya yung tutulong sa 'yo? Ikaw yung pangalawang guardian ko. Bakit hindi mo 'ko tulungan?" Nakayakap pa rin ako sa kaniya ngayon.
Unti-unti niyang inalis ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap sa kaniya.
"Sa tingin mo ba may ninong na nakikipagtalik sa inaanak niya?"
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Wala naman talagang nangyari sa amin. Drama ko lang 'yon para sana ipakasal kaming dalawa pero hindi 'yon umobra.
"Lumabas ka na, Anika." sinubukan niya ng talikuran ako.
"Pero...ninong." kaagad ko siyang hinawakan sa braso.
"Anika, dahil diyan sa pagiging spoiled brat mo kaya nagkasira kami ngayon ng Daddy mo. Ano pa ba ang gusto mo mangyari? Gusto mo ba masundan pa yung nangyari sa atin? Alam mong hindi ko maibibigay sa iyo 'yon. Tama na yung isang beses na nagkamali ako."
"Ninong, gusto ko lang ng matitirahan ngayon. Pinalayas ako ni Daddy at wala akong matitirahan, please..." nagmakaawa ako sa kaniya.
Sandali niya akong tinitigan. Napansin kong bumaba ang kaniyang paningin sa aking dibdib. Bigla siyang tumikhim at binaling sa ibang direksyon ang kaniyang paningin.
Dahil curious ako kung anong nakita niya, nagbaba rin ako ng tingin. Doon ko napansin na bakat ang cleavage ko dahil basa ang white tshirt na suot ko.
"Bumalik ka sa bahay niyo, Anika at makiusap ka sa Daddy mo. Tulad ng sabi ko, ayaw kong dagdagan pa ang galit ng Daddy mo sakin kaya lumabas ka na! Dominic, ilabas mo na ang babaeng ito!" maawtoridad niya utos sa guard.
"Sige po, sir." kaagad itong lumapit sa akin.
Hinawakan ng guard ang mga braso ko habang si Ninong ay nag-umpisa ng humakbang pabalik sa bahay niya.
"Ninong...please!"
Nagpumiglas ako sa paghawak ng guard sa akin.
"Kahit na anong pakiusap mo, Anika. Hindi kita pakikinggan. Masasayang lang 'yang laway mo kaya umuwi ka na! Ayaw kong sayangin ang oras sa babaeng may gatas pa sa labi." Nakatalikod niyang sabi. Nag-umpisa na naman siyang humakbang palayo.
"Ninong, please! Kung may gatas pa ako sa labi bakit nakatingin ka sa dibdib ko kanina?" buong lakas na sigaw ko. Natigilan siya at unti-unting napalingon sa akin.
Ang sama ng tingin niya. Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Anong sabi mo?" humakbang siya pabalik sa kinaroroonan ko. Tumigil rin ang guard sa paghila sa akin.
"Bakit ka nakatitig sa dibdib ko? Sabi mo bata pa ako. Tapos ngayon sinasabi mo may gatas pa ako sa labi. Eh, bakit nakatingin ka sa cleavage ko? Naaakit ka noh?"
"What the hell are you talking about, Anika? Paano ka nakakasigurong nakatingin ako diyan sa maliit mong dibdib?" kumunot ang noo niya.
"Ang lagkit kaya ng tingin mo." nakangusong sabi ko.
"Ilabas mo na 'yan, Dominic! Kahit na anong pakiusap ng babaeng 'yan huwag mo ng pakinggan." mariing utos niya sa guard kaya muli na naman akong hinila nito.
Nagpupumiglas pa rin ako.
"Ninong! Please!"
"Umuwi ka na, Anika! Huwag mo hayaang tatawag pa ako ng police para ihatid ka nila sa bahay niyo."
"Ipagtatabuyan mo pa rin ba ako kahit sabihin ko sa 'yong—" natigilan ako. Muli naman siyang lumingon sa akin.
Matiim siyang tumitig sa akin.
"Buntis ako, ninong!"
Natigilan na naman siya. Humakbang ng isang beses. "A-anong sabi mo?" nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"Buntis ako hindi mo ba 'yon narinig? Bingi ka ba? Talaga nga palang matanda ka na dahil nabibingi ka na!"
"What the hell, Anika Ramirez!"