Karugtong po ito ng PROLOGUE
Anika's POV
Sa loob ng aking kwarto bigla kaming natahimik ni Uncle Zeke. Nakaupo na siya ngayon sa kama habang ako nakahiga pa. Hanggang sa tuluyan na siyang tumayo mula sa kama. Hinila niya ang kumot kaya naman hinila ko rin ito. Makikita niya ang kahubdan ko kapag patuloy niyang hihilahin ang kumot na silbing takip sa aking katawan.
"Uncle Zeke, a-ang kumot."
Bumaling siya sakin. Hindi maipinta ang kaniyang mukha. Alam kong nagagalit siya dahil sa nangyari.
"Hindi maganda 'to, Anika." sambit niya. Pinulot niya ang kaniyang mga saplot sa sahig.
Hinubad ko 'yon kagabi. Wala akong ginawa sa kaniya kundi ang hubarin ang kaniyang mga saplot at ganoon din ang sa akin. Walang nangyari sa amin. I swear, hindi ko nagawang pikutin siya. Hindi ko nagawang pumatong sa ibabaw niya dahil hindi naman ako marunong.
Malay ko ba sa ganoong bagay. Tsaka natatakot akong tingnan 'yong nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Nakakatakot! Baka kapag nasilayan ko 'yon ay bigla na lamang akong mamatay.
"Anika, tell me the truth, may nangyari ba?" tanong niya gamit ang boses na may kaba. Pansin ko rin ang pagiging suplado ng kaniyang mukha at halatang na-i-stress.
Nakatingin pa rin siya sa akin. Naghihintay sa mga sagot ko.
Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang wala?
"Anika?" muli ay untag niya sa akin.
"Ano bang gusto mo marinig? Nakita mo naman na pareho tayong walang mga saplot." buong lakas na sagot ko.
"s**t! Huwag mo na akong paikutin Anika! Sabihin mo na sakin kung may nangyari? Diretsuhin mo 'ko!" madiing sabi niya. May galit sa kaniyang boses.
Marahan akong tumango. "M-meron po."
"s**t!" natampal niya ang kaniyang noo. "Hindi dapat 'to malalaman ng Daddy mo. Naiintindihan mo ba?"
Hindi ako nakasagot. Nakatitig lamang ako sa kaniyang mukha. Sa mga kilos niyang natataranta. Nakapagbihis na siya ng kaniyang mga saplot pagkatapos ng ilang minuto.
"I need to go" paalam niya.
Nagmadali siyang tahakin ang pintuan ngunit hindi pa man siya nakakarating sa pintuan ay bigla na lamang bumukas ito.
"Anika, hindi ka nag-lock ng pintuan mo. Tanghali na gumising ka na riyan. Late ka na."
Nanlaki ang aking mga mata dahil biglang pumasok si Mommy. Hindi pa siya nakatingin sa kinaroroonan namin dahil abala siya sa doorknob. Hanggang sa mapatingin ito sa amin.
Napa-second look si Mommy dahil siguro nakita niya si Uncle Zeke.
Hindi ko inaasahan ang pagsigaw niya.
"M-Mommy..."
"Oh my God!"
"Mrs. Ramirez, huminahon ka." bigla na lamang lumapit si Uncle Zeke kay Mommy para takpan ang bibig nito. Hanggang sa pakawalan nito ang bibig ni Mommy.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Mommy.
"What happened? What happened, Zeke?"
tanong ni Mommy na hindi pa rin makapaniwala. Malakas ang boses niya. Sinisigawan niya si Uncle Zeke.
"L-listen, I don’t know what happened. I just woke up here in Anika’s bed," Uncle Zeke explained.
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Mommy sa pisngi ni Uncle Zeke.
Halos maiyak si Mommy. "Pinagkatiwalaan kita! Kaibigan ka ni Romeo! Alam kong mag-bestfriend kayo! Paano mo nagawa sa amin ito? Pinagsamantalahan mo ba si Anika?" nanginginig na sabi ni Mommy.
"Mommy, w-wala pong alam si Uncle Zeke. L-lasing po siya ng pumasok siya dito sa kwarto ko."
"At ikaw?" turo ni Mommy sakin. "Hindi ka man lang ba sumigaw?"
"Mommy, I-I'm sorry, gusto ko po si Uncle Zeke."
"A-ano?" nalaglag ang panga ni Mommy at ganoon din si Uncle Zeke. Gulat na gulat sa narinig mula sa akin.
"Anika, you don’t know what you’re saying!"
umigting ang panga ni Uncle Zeke.
"G-gusto kita, Uncle Zeke." pag-amin ko sa harapan mismo ni Mommy.
"Jusko!" natampal ni Mommy ang kaniyang noo. "What the hell are you talking about, Anika?"
"Mommy, I want Uncle Zeke to be my husband. I want to marry him!" I shouted boldly.
"Nahihibang ka na ba? Alam mo bang matanda lang ng ilang taon ang daddy mo sa kaniya. Ano ba itong mga pinagsasabi mo?"
"Wala ho akong pakialam. Basta gusto ko siyang maging asawa."
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Mommy sa aking mukha. "Nababaliw ka na! Nag-aaral ka pa. Ang bata mo pa para mag-asawa!"
"Anika, bawiin mo yung sinabi mo." umiigting ang panga na sabi ni Uncle Zeke.
Umiling ako. "Hindi ko na po babawiin ang sinabi ko. Mahal kita, Uncle Zeke." naipikit ko ang aking mga mata. Hanggang sa marinig ko ang kalabog sa pintuan kaya naimulat ko ito.
Tumambad si Daddy sa aking paningin.
"Anong nangayayari dito?" bakas sa mukha ni Daddy ang pagkalito. Mukhang may hang-over pa.
"Ang anak mo, Romeo." sagot ni Mommy na halos maiyak. "Hindi ka maniniwala sa malalaman mo. May nangyari sa anak mo at sa kaibigan mo." sumbong ni Mommy.
"Ano?" Bigla na lamang nanlisik ang mga mata ni Daddy. Naikuyom kaagad nito ang kamao.
Ilang segundo lang ay nakalapit kaagad si Daddy kay Uncle Zeke. Na-kwelyuhan niya kaagad ito at malakas na sinuntok.
Napahiga si Uncle Zeke sa sahig. Dumugo ang gilid ng kaniyang labi. Labis tuloy akong nag-aalala.
Muli siyang sinugod ni Daddy. Hinila siya ni Daddy dahilan para siya ay mapatayo.
"Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita pero aahasin mo lang pala ako! Sarili kong anak pinagnasahan mo na gago ka! Hindi kita mapapatawad!" muling sinuntok ni Daddy si Uncle Zeke.
Gusto kong umawat ngunit hindi ko magawa dahil hubo't hubad pa rin ako sa mga oras na ito.
Mukhang totohanin ni Daddy ang sinabi niyang papatayin niya kung sino man ang lalaki sa buhay ko
"Tama na, Romeo!" sigaw ni Mommy.
Hindi tumigil si Daddy. Pinaulanan pa niya ng suntok si Uncle Zeke hanggang sa manghina ito.
"Romeo, tama na! Kung gusto mo ipakasal na lang natin silang dalawa."
Galit na hinarap ni Daddy si Mommy
"Nahihibang ka na ba, Alita? Hindi ko ipapakasal ang anak natin sa lalaking ito!"
"Daddy, tama na po." naiiyak na sabi ko. Bumaling siya sa akin. Galit na galit ang mga mata nito. Binitawan niya ang kwelyo ni Uncle Zeke.
"Umalis ka na! Bago pa kita mapatay dito mismo sa pamamahay ko! Simula ngayon, hindi na kita ituturing na kaibigan!" sigaw ni Daddy sa pagmumukha ni Uncle Zeke.
"If you want me to marry Anika, I will." nanghihinang sabi ni Unce Zeke.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. Para akong kinilig ng marinig ko 'yon mula sa kaniya.
Gusto niya rin akong pakasalan.
Nagawa ko pang kiligin sa mga oras na ito kahit na ganito na ang nangyayari.
Ganoon na lamang ang pagbagsak ng mga balikat ko ng umiling si Daddy. "That will never happen. I will never let you marry my daughter!"
Halos kaladkarin ni Daddy si Uncle Zeke palabas ng aking silid. Naiwan naman si Mommy.
Napailing ito habang nakatingin sa akin.
"Magbihis ka na, Anika." galit na utos ni Mommy sa akin. Hinila ko ang kumot at ibinalot sa aking katawan. Tumayo ako at nagtungo sa wardrobe.
Napaiyak na lang ako habang yakap ang aking mga tuhod.
---------
Third POV
Zeke Achille
36 years old, CEO ng Achille enterprises corp.
Tahimik lamang ang loob ng executive office.
Nakaupo si Zeke sa mahabang couch sa loob ng opisina niya, habang ang company nurse ay maingat na nililinis ang sugat niya sa mukha at sa gilid ng labi.
Pagkatapos ng nangyari kanina ay dumiretso siya sa opisina para dito na gamutin ang mga natamo niyang sugat dahil sa mga suntok ng Daddy ni Anika.
Medyo nakakunot ang noo niya pero pinipilit manatiling kalmado. Napapaungol na lamang siya tuwing dumadampi ang bulak sa kaniyang sugat sa labi.
"Sorry, sir pero puwede ho ba malaman kung saan niyo nakuha ang mga sugat na ito?"
"Just do your job, nurse." walang ganang sabi niya dito.
Bigla na lamang siyang natigilan dahil pilit inaalala ang nangyari kagabi. Hindi niya matandaan ang nangyari. May nangyari sa kanila ni Anika ngunit wala siyang matandaan. Ganoon ba siya ka-lasing ng gabing iyon?
Binalingan niya ang kaniyang secretary na nasa gilid lang niya. Hawak ang clipboard at phone habang binabasa ang natitira niyang schedule para sa natitirang araw.
Bigla na lamang tumunog ang desk phone ng kaniyang secretary.
"Good morning, Mr. Achille office. This is secretary Kate speaking—"
Biglang lumawak ang mga mata ni Kate nang marinig kung sino ang nasa kabilang linya.
"Ma'am Angel?" bumaling si Kate kay Zeke. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Zeke nang marinig ang pangalan ng kaniyang nobya.
Mabilis na senenyasan ni Zeke si Kate. Itinuro niya ang sarili pagkatapos ay umiling-iling.
"Sabihin mo na wala ako." pabulong na sabi niya kay Kate.
Tumango naman si Kate. "Ah, Ma’am Angel… Pasensiya na po, pero umalis si Sir kanina pa. May biglaang meeting po siya sa labas. Hindi po niya nabanggit kung saan… confidential daw po, eh.”
Zeke could only let out a deep sigh.
It was his first time lying to his girlfriend, and guilt was already weighing heavily on him because of everything that had happened.
Wala siyang lakas na loob magpakita kay Angel. Lalo na ngayon, hindi niya alam ang mga susunod na mangyayari.
Tapos ng gamutin ng nurse ang sugat niya kaya bumalik siya sa kaniyang swevil chair.
Pinalabas niya rin si Kate dahil gusto niyang mapag-isa. Habang malalim ang iniisip bigla na lamang tumunog ang kaniyang phone.
Tumambad sa kaniyang screen ang pangalan ni Geller.
Wala sana siyang balak na sagutin ito ngunit naisipan niyang sagutin na lamang ito baka makatulong ito sa problema niya.
"Oxford." sagot niya.
“Hey Zeke, how are you? I was thinking of inviting you to Nocturne tonight.”
“I’m not in the mood.”
"Bakit? Nag-break kayo ng nobya mo?"
"Do you remember Anika?”
“Anika? Who’s that chick?”
"Yung dinaluhan natin na nag- debut nakaraang araw."
"Ah, yung anak ng kaibigan mo? Anong meron? Type mo?"
"Sira! May malaking problema ako. Tayo lang dapat ang makakaalam nito. Promise me, huwag mo sasabihin ito sa iba."
"What is it?"
"May nangyari sa amin."
"What?"
Tumawa sa kabilang linya si Geller.
"Seryoso ako."
"Paano ka naging seryoso? Hindi ba't inaanak mo 'yon?"
"Isa din 'yan sa rason kung bakit mababaliw ako sa kaiisip ngayon. Hindi ko maalala ang gabing may nangyari sa amin. Pilit kong inaalala ngunit wala talaga."
"Ang sabihin mo nasarapan ka. You’re lucky her father didn’t kill you.”
“He almost did.”
Muling tumawa si Geller sa kabilang linya. "That's complicated, Zeke. Ayusin mo muna 'yang problema mo. Tatawagan na lang ulit kita." tatawa-tawa pa rin sa kabilang linya si Geller bago tuluyan na nga nitong pinatay ang tawag.
"s**t!" muntikan niya ng maihagis ang phone. Nasapo niya ang noo kasabay ng kaniyang pagbuntong hininga. Akala niya matutulungan siya nito sa problema niya.
-------
Anika's POV
Isang buwan na ang nakalipas simula ng gabing nagtabi kami matulog ni Uncle Zeke. Isang buwan na rin akong ikinukulong nila Mommy sa aking kwarto. Hindi nila ako pinapalabas ng kwarto at hindi na rin ako nakakapasok sa school.
Hindi ko alam kung anong dahilan ang sinabi nila sa Professor ko kung bakit hindi ako pumapasok.
Anong gagawin ko para makalabas dito.
Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito. Pumasok si Manang dala ang tray.
"Hija, kumain ka na."
Inilapag ni Manang ang tray sa maliit na table.
Anong gagawin ko para ipakasal nila ako kay Uncle Zeke?
"Manang, nasaan sila Mommy?"
"Nasa sala ang Mommy at Daddy mo. Narinig ko nga pinag-uusapan nila ang flight niyo papuntang London."
"Ano?"
"Hindi mo ba alam? Dadalhin ka nila sa London."
"H-hindi puwede."
Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi matuloy ang pag-alis namin. Anong paraan naman?
"Kumain ka na hija." muli ay aya ni Manang sa akin. Nilapitan ko ang dala niyang pagkain na nasa table. Napatakip na lamang ako sa aking ilong dahil hindi ko gusto ang amoy.
"Ma'am, ayos ka lang ba?" tanong ni Manang sa akin. Hindi ko na talaga kaya pa ang amoy kaya tumakbo ako sa banyo at napasuka.
Narinig ko na lang ang pagsigaw ni Manang.
"Ma'am! Sir!"
Puno ng pagtataka akong napatingin sa pintuan. Bakit sumigaw si Manang? Bakit niya tinawag sila Mommy?
Lumabas ako ng puno ng pagtataka sa aking mukha. Nandito sila Mommy at Daddy sa loob ng aking kwarto. Nakatingin sa akin.
Ang sama ng tingin ni Daddy.
"Anika! Magsabi ka ng totoo." tanong ni Daddy sakin.
"A-anong sasabihin ko sa inyo, Dad?"
"Buntis ka ba?"
Lahat sila ay nakatingin sa akin. Para bang ang sama-sama ko sa klase ng kanilang mga tingin.
Paano naman niya nasabing buntis ako? Wala ngang nangyari sa amin ni Uncle Zeke. Paano ako mabubuntis?
Natigilan ako.
Paano kung magsinungaling na lamang akong buntis ako? Baka sa pagkakataong iyon, ipapakasal nila ako kay Uncle Zeke.
"Anika? Sagutin mo ang tanong ko! Buntis ka ba?"
"Daddy, p-paano kung sasabihin kong buntis ako? Ipapakasal niyo na ba ako sa ama nitong dinadala ko?"
Mas lalong nanlisik ang mga mata ni Daddy.
"Hindi ko matatanggap ang batang 'yan!"
"D-Daddy..."
"Lumayas ka!" turo ni Daddy sa pinto nitong aking kwarto.
"Romeo...huwag mo gawin sa anak natin 'to." pigil ni Mommy.
"Huwag mo 'kong pigilan. Ngayon malalaman ng anak mo kung ano itong problema na pinasok niya. Ngayon, lumayas ka sa pamamahay na ito, Anika! Simula ngayon, hindi na kita anak. Huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa amin ng Mommy mo!"
"Daddy?" bumagsak ang mga balikat ko.
Hindi ko inaasahang palalayasin niya ako. Sa isang iglap lang, nagbago ang lahat.