CHAPTER 3 PLANO

2420 Words
Anika's POV "Anika Kattie Ramirez!" Napapitlag ako. Napakurap-kurap rin ang aking mga mata. Lahat ng kaklase ko, napalingon. Si Prof, nakataas ang kilay, hawak ang marker. First year college pa lang ako. Wala nga sana akong balak mag-aral na dahil hindi talaga ako interesado. Gusto ko na lang magtrabaho ngunit sila Mommy at Daddy gusto nila akong makatapos ng college. Kung alam lang nilang mahina talaga ako. Bigla na lang umikot ang paningin ko. Kumapit ako sa gilid ng upuan, saka dahan-dahang ngumiti. "Y-yes po, sir?" "Nakikinig ka ba sa discussion ko, Ms. Ramirez o lumilipad kung saan 'yang isip mo?" Oo, lumilipad nga ang isip ko ngayon. Wala akong ibang iniisip kundi ang crush ko, si Uncle Zeke. Dahil sa nangyari kahapon, hindi na ako lumabas ng kwarto. Hindi na ako nagpakita pa sa kanila. Nagmukmok ako sa kwarto na parang pagong na nagtago sa sarili niyang shell. Sa sobrang hiya ko hindi ko na nakaya pa magpakita kay Uncle Zeke. Sayang ang araw na 'yon, hindi ko na tuloy nasilayan pa ang kaniyang napakagwapong mukha at ang makisig niyang pangangatawan. Bigla akong napangiti. "Anika Kattie Ramirez! Tinatawanan mo ba ako?" "Ho?" napapitlag na naman ako sa biglang paglakas ng boses ni Prof. Nakalimutan kong nandito pa nga pala ako sa loob ng classroom at kinakausap niya ako. Dahil nga lumilipad ang isip ko ay bigla akong napangiti kaya ito galit na galit si Prof. "I'm sorry, Prof. Hindi ho kayo ang tinatawanan ko. May naisip lang ho ako kaya ako napangiti." "Kung saan-saan lumilipad ang isip mo, Ms. Ramirez. Huwag mo hihintayin na ipatawag ko ang mga parents mo." panakot ni Prof sa akin. Magagalit si Daddy sakin kapag nangyari 'yon. "Pasensya na po. Hindi na po mauulit, sir." muli kong hingi ng tawad. Naramdaman ko naman na may sumiko sa braso ko. Ang bestfriend kong si Mila. "Besty, ano ba kasi iniisip mo? Bakit parang lutang ka sa araw na 'to." "Ikukwento ko sa 'yo mamaya." pabulong na sagot ko sa kaniya. "Sige, gusto kong malaman kung ano 'yang gumugulo sa isip mo." aniya. "Okay, that's it for today. Class dismissed." anunsyo ni Professor. Sa wakas! Natapos din ang oras niya. Wala man lang akong naintindihan sa disscusion niya. "Tara sa cafeteria." napatayo si Mila. Ganoon din naman ako. Mas mabuti pa nga siguro na doon na muna kami. Ikukuwento ko pa sa kaniya ang pogi kong Uncle. Habang naglalakad kami ay may grupo ng kalalakihan ang humarang sa daraanan namin. Si Jake na naman. Hindi pa rin ba siya titigil sa pangungulit sa akin. Sinabi ko na nga sa kaniya na wala siyang pag-asa sakin. Gwapo siya pero hindi ko siya type. May iba na akong nagugustuhan. "Hi, Kattie..." bati nito sa akin. Kasama ang mga ulupong niyang barkada. "Anong kailangan mo?" walang gana na tanong ko sa kaniya. "Gusto ko lang sana itanong kung kailan mo 'ko balak sagutin?" "Tumigil ka na nga, Jake wala ka na ngang pag-asa sa bestfriend ko hindi mo ba maintindihan 'yon." naiinis na sabi ni Mila. "Malay mo, magbago isip ng bestfriend mo." "Hindi na magbabago ang isip ko, Jake." sabi ko sa kaniya ng diretso. "Halika na, Mila." hinawakan ko na ang kamay ni Mila para hilahin na ng tuluyan sa cafeteria. Hindi ko inaasahang susunod sa amin sila Jake. Habang pumapasok kami sa cafeteria ay pinagtitinginan naman kami ng isang grupo ng mga babae. Kilala ko sila. Sila yung grupo na walang ibang ginawa kundi maghanap ng away. Pinakaayaw ko talagang magtagpo ang mga landas namin. Ang sama nilang tumingin. Lalo na ngayong nakasunod sa amin sila Jake. Isa kasi sa kanila ay may gusto kay Jake. Sa minalas-malas iisang table na lang ang may bakante para sa amin. Iyon ay ang katabi ng kanilang table. Habang dumadaan kami sa kanilang harapan. Naramdaman ko na lang na may tumisod sa aking mga paa. Muntikan na akong madapa ngunit kaagad naman akong nahawakan ni Mila. "Oops! Sorry." sarkastikang sabi ng isang babaeng puno ng kolorete ang mukha. Halos naman silang lahat may kolorete sa mukha. Kung wala 'yon, ewan ko na lang kung magmukha pa rin ba silang tao. Hinayaan ko na lamang ang mga ito. Deadma lang kaysa patulan sila. "Hi, Jake!" bati nila kay Jake. Napatingin lang ako at muli ng ibinaling kay Mila ang paningin ko. Nasa kabilang table naman sila Jake. "Panira talaga mga babaeng 'yan?" bulong ni Mila sa akin. "Sinabi mo pa. Ang ganda ng mood ko kanina sinira lang nila." sagot ko. "So, ano na? May balak ka pa ba ikuwento sakin ang nangyari sa debut mo?" "Bakit kasi hindi ka dumalo sa birthday ko. Ikaw yung bestfriend ko ngunit ikaw pa yung wala." "Sorry na, hindi kasi ako pinayagan ni Mama." "Kung dumalo ka lang sana nakita mo mga hotties uncles ko." kinikilig na kwento ko kay Mila. "Lahat sila nakahalik sakin." dagdag ko pa. Napangiti si Mila. "Mga Uncles mo? Eh, bakit kinikilig ka?" "Kasi ang po-pogi nila at ang hot pa. Pero—isa yung nakaagaw ng puso ko." "Kinikilig ka na niyan ah." asar ni Mila sa akin. "Oo, naman. Kapag nakita mo siya tiyak akong kikiligin ka rin sa kaniya." "Aysows! Hindi ako mahilig sa uncle noh!" "Puwes, mahilig ako. Nasa kaniya na nga lahat ng gusto ko sa lalaki." "Aysows! Ang nagdadalagang ito. Gusto na yata mabiyak." "Anong mabiyak?" "Mabiyak ang kabibe." "A-anong kabibe?" "Pa-inosente ka pa diyan." "Ang bastos mo, Mila." "Totoo naman ah? Sa klase ng pagpapantasya mo diyan parang gusto mo ng mahubaran ng panty." Kaagad kong tinakpan ang bibig ni Mila. "Baka marinig ka nila." Kaagad ko rin inalis ang kamay sa bibig niya. "Ano bang gagawin ko, Mila para hindi ako magkagusto sa lalaking 'yon? Pero sana magustuhan niya rin ako." "Isa lang kasagutan diyan." "A-ano?" "Akitin mo. Maganda ka naman, sexy, isa pa kaakit-akit ka talaga." "Hindi ko magagawa 'yon." "E di pikutin mo na lang." "A-ano?" "Bakit gulat na gulat ka?" biglang tumawa si Mila. "Kapag ginawa mo 'yon pahihintuin ka ng Daddy mo sa pag-aaral. 'Di ba gusto mo 'yon? Matutupad na ng tuluyan ang gusto mong mangyari. Isa pa, ipakakasal ka sa lalaking gusto mo. Magiging magandang house wife ka. Wala ka ng alalahanin kundi ang asikasuhin ang gwapo mong asawa." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Mila. Oo nga, may point siya doon. Na-imagine ko tuloy ang sinabi niya. Paano ko pagsisilbihan si Ninong Zeke bilang asawa niya. Ipagluluto ko siya ng masarap na ulam. Bigla akong napakamot sa ulo. Naalala kong hindi nga pala ako marunong magluto. Kakaunti lang ang alam kong lutuin. Walang iba kundi noodles. Kung sa paglalaba naman. Puwede ko siyang ipaglaba basta yung brief niya. Bahagya akong napangiti sa kalokohang naiisip ko. "Hoy! Bakit ka napangiti diyan?" biglang tanong ni Mila sa akin. "W-wala lang, naisip ko lang ang sinabi mo. Pero paano ko gagawin 'yon?" "Uy! Sineryoso mo ba talaga yung sinabi ko? Nagbibiro lang ako. Grabe ka, Anika. Gusto mo na ba talaga maging house wife? Sa bahay ka na lang at kapag nabuntis ka, malolosyang ka. Gusto mo ba 'yon?" humalakhak si Mila dahilan para pagtinginan kami ng ibang studyante na nandito sa cafeteria. Natigilan na lamang ako. Hindi ako nakapagsalita. Na-iimagine ko na kasi ang buhay ko kasama si Uncle Zeke. Hanggang sa pag-uwi ko ng bahay dala-dala ko sa isip ang sinabi ni Mila sa akin. Paano nga kung gagawin ko 'yon? Mapapasa akin ang lalaking gusto ko. "Magandang hapon, ma'am Anika!" bati sa akin ni Manang Iska. "Nandiyan po ba sila Mommy at Daddy, Manang?" "Wala ang Mommy mo pero ang Daddy mo nasa sala. Hinihintay yata ang Uncle Zeke mo. May usapan yata sila." "Huh? Pupunta ba ulit dito si Uncle Zeke?" "Yon ang sabi ng Daddy mo. Ito nga pinaghahanda ako ng Daddy mo ng kanilang maiinom. Ilalagay ko na muna ito sa kusina." Naunang pumasok sa loob si Manang. Nakasunod na rin ako sa kaniya. Nadatnan ko si Daddy sa sala nakaupo sa couch. "Hi, Daddy!" bati ko dito tsaka mabilis na lumapit dito para humalik sa pisngi. "Napaaga yata ang uwi mo?" "Wala kasing traffic." "Mabuti naman kung ganoon." "Ahm! Pupunta po ba dito si Uncle Zeke, Dad?" "He said he’s on the way. Why do you ask?" "Wala lang po." napangiti ako. "Anika, what’s with that smile? Are you in love?" Tinitigan ni Daddy ang aking mukha. Naku! Nahalata ba niyang inlove ako kay Uncle Zeke? "H-hindi po, Daddy." "You better not be. I don’t want you having a boyfriend yet. I’ve told you before...finish your study first. If I find out you have a boyfriend, I’ll kill him." "Ho?" nahintakutan ako sa sinabi ni Daddy. "Umakyat ka na at magbihis. Uuwi ngayon si Manang Iska kaya asikasuhin mo ang inumin namin ng Uncle Zeke mo." "Uuwi si Manang Iska? S-saan po, Daddy?" "Saan pa nga ba? Sa family niya." Mukhang umaayon yata ang panahon sa akin. "S-sige po, Daddy. Magbibihis ako at bababa rin kaagad para asikasuhin kayo ni Uncle Zeke." Ang laki ng mga ngiti ko habang inihahakbang ang aking mga paa sa ilang baitang ng hagdan dito sa bahay. Hindi ako mapakali hanggang sa makarating ako sa aking silid. Ngayon ko gagawin yung sinabi ni Mila sakin. Magagawa ko kaya 'yon? Pero bahala na. Mabilis lamang akong pumanhik mula sa aking kwarto. Dahil nga excited ako, nagmadali akong magbihis para lang makababa kaagad ako. Pagbaba ko nga ay nadatnan ko sila Daddy at Uncle Zeke sa sala. Nakatalikod sila mula sa akin at nakaupo sa couch. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. "Para sakin, bata pa si Anika. Ayaw ko munang magkaroon ng boyfriend ang anak kong 'yon. Kaya kung sino man ang magiging boyfriend ni Anika humanda na lamang siya sa akin dahil hindi siya makakalabas ng buhay dito sa bahay." Namilog ang aking mga mata dahil sa narinig kong sabi mula ni Daddy. Kausap niya si Uncle Zeke. Tahimik lamang ito habang nakikinig kay Daddy. Hindi nila ako nakita kaya dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa patungo sa kusina. Nadatnan kong nagluluto si Manang Iska habang nasa mesa naman ang mga alak. Napaupo ako sa dining chair. Malalim ang iniisip ko. Hindi ko alam kung paano ko magagawa ang plano ko? Pero bahala na. Kung anong mangyayari mamaya. "Anong iniisip mo?" napapitlag ako ng biglang magsalita si Manang Iska. "W-wala ho, Manang." napatayo na lamang ako. Hinawakan ko ang dalawang alak. "Ito ba ang iinumin nila Daddy? Dadalhin ko na po ito sa sala." paalam ko. "Sige, hija." Dahan-dahan akong naglakad patungo sa sala. Nang makarating sa kanilang harapan ay kaagad ko itong inilapag sa mesa. Iniiwasan kong magtama ang aming paningin. Baka kapag nangyari 'yon hindi ko na magawa pang alisin sa kaniya ang paningin ko. "How's school, Anika?" bigla na lamang tanong ni Uncle Zeke sa akin. "A-ayos naman po." nakayukong sagot ko. "Anika, kinakausap ka ng Uncle Zeke mo. Tumingin ka sa kaniya ng tuwid." utos ni Daddy kaya naman napatingin ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga paningin. Sunod-sunod akong napalunok. "A-aakyat na ho ako, Daddy." paalam ko. Hindi ko kayang tumayo ng matagal sa harapan ni Uncle Zeke. "What happened to her?" Nang tumalikod ako ay narinig ko pa ang tanong ni Uncle Zeke kay Daddy. Nagkulong na lang ulit ako sa aking kwarto. Ilang oras na ang nakalipas simula ng pumasok ako dito. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa labas kaya napagpasyahan kong lumabas. Nakasuot na ako ng pantulog. Wala na akong suot na bra ngunit hindi naman bakat ang u***g ko dahil makapal itong pantulog ko. Ilang hakbang pa lang ay may naamoy akong alak. Hanggang sa may bigla na lamang tumambad sa aking harapan. Nanlaki ang aking mga mata nang makitang si Uncle Zeke ito. Mapupungay ang kaniyang mga mata at pasuray-suray din ang mga lakad niya. Humakbang siya palapit sa akin kaya napaatras ako. "U-Uncle Zeke, i-ikaw pala." Mas lalong nanlaki ang aking mga mata ng bigla na lamang siyang napasubsob sa dibdib ko. Mas lalo kong naaamoy ang alak na ininom niya. "Anika, where's the bathroom?" "Ho?" bigla akong nataranta. "Where's the bathroom, Anika? I need to pee." "Huh? Ah eh!" napakamot ako sa aking ulo. Iba pala ang pakiramdam kapag malapit ang aming mga katawan. Para akong kinukuryente na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. "S-sa kwarto ko, Uncle. M-may sarili akong banyo sa kwarto." kaagad na sagot ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Para bang sasabog na ito sa dibdib ko. Sobrang gwapo niya, namumula pala ang dibdib niya tsaka mabuhok. Nasilayan ko iyon dahil nakabukas ang butones ng kaniyang black polo. Naipikit ko sandali ang aking mga mata tsaka ko iniling-iling ang aking sarili. Anika, umayos ka. Para bang hindi na siya masyadong makalakad kaya inalalayan ko siya papunta sa kwarto ko. Hanggang sa makarating kami sa banyo. Paikot-ikot ako ngayon dito sa tabi ng aking kama. A-anong gagawin ko? "Pikutin mo." Bigla na lamang nag-flashback sa isip ko ang sinabi ni Mila. Maya maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Pasuray-suray na lumabas ng banyo si Uncle Zeke. Hanggang sa bigla na lamang siyang bumagsak. "Uncle!" sigaw ko. Kaagad ko itong nilapitan ngunit wala na siyang malay. "Uncle..." inalog ko pa ang mga braso niya ngunit hindi man lang siya nagmulat ng mga mata. Dahil doon, naglakas loob akong dalhin siya sa aking kama. Malapit lang naman ang binagsakan niya sa kama ko kaya nagawa ko siyang itaas sa kama ko. Hindi na maipaliwanag ngayon ang nararamdaman ko. Mabilis ang t***k ng puso ko at ganoon din ang hininga ko. Pinagpapawisan rin ako. Sunod-sunod akong napalunok ng simulan kong tanggalin ang pagkakabutones ng kaniyang polo. Hanggang sa masilayan ko ang mabuhok at matipuno niyang dibdib. Napatakip ako ng bibig. Sunod-sunod rin akong napalunok. Kagat labi na lamang ako habang patuloy kong hinuhubad ang kaniyang polo. Maging ang kaniyang pants. Hindi ko kayang makita ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita kaya naman tinakpan ko iyon ng kumot. Iniiwasan kong makita iyon dahil baka mahimatay ako kapag nasilayan ko 'yon. Narinig ko ang kaniyang pag-ungol. Hindi ko inaasahang aksidente kong masagi ang bagay na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Napatili ako ng wala sa oras. Nanlaki ang aking mga mata dahil ramdam kong matigas iyon at para bang mataba. Napalunok ako ng malutong. Mas lalo akong pinagpawisan. Hindi naman siguro kasalanan itong ginagawa ko. We’re not related by blood. I only call him 'Uncle' because he’s my dad’s friend. That's all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD