Anika's POV
"Anika!"
Naririnig ko ang boses ni Mommy ngunit inaantok pa ako kaya ayaw kong imulat ang aking mga mata. Gusto ko pa matulog ngunit si Mommy ginugulo niya ang natutulog kong diwa.
"Anika! Sweety! Gumising ka na!"
Pinunasan ko ang aking pisngi na tinuluan pa yata ng aking laway. Nakapikit pa rin ang mga mata ko ngunit alam ko ang nangyayari sa paligid ko.
"Anika!"
Muli ay tawag ni Mommy kaya iminulat ko na ng tuluyan ang aking mga mata. "Mommy, inaantok pa po ako! Gusto ko pa matulog please...Mommy!" inaantok na sigaw ko. Muli kong ipinikit ang aking mga mata.
"Gumising ka na diyan! Nakakahiya! Nandito ang Ninong mo ngunit tulog ka pa rin. Ano na lang sasabihin ng Uncle mo!" sigaw ni Mommy na biglang nagpagising sa aking diwa.
Ninong? Uncle? S-sinong uncle kaya ang tinutukoy ni Mommy? Kung si Uncle Zeke iyon dapat na nga akong gumising para masilayan ko ang gwapo niyang mukha.
"Mommy? Tama ba ang narinig ko? Uncle? Sinong Uncle po ang tinutukoy niyo?" sinigurado kong tama ang nasa isip ko.
"Sino pa nga ba? Kundi ang Uncle Zeke mo! Naghihintay sila ng Daddy mo sa sala! Kaya gumising ka na diyan at sumunod na sa akin sa ibaba!"
Namilog ang aking mga mata. Halos hindi makapaniwalang nandito ngayon sa bahay si Uncle Zeke.
Dahil doon...biglang nag-flashback sa isip ko ang nangyari kagabi sa birthday ko.
"So you're Anika now." hindi makapaniwalang sambit ni Uncle Zeke habang malayang nakatitig sa akin. Malalim at tila ba may ibig sabihin ang kaniyang mga tingin. Hindi ko mapigilan na mapakagat labi dahil kinikilig ako sa mga oras na ito.
"Anika was about three years old the last time you saw her." sambit naman ni Daddy habang kaharap si Unle Zeke.
Napalunok na lang ako. Ganoon pa pala ako kaliit noong huli niya akong makita.
Hindi ko rin naman kasi siya matandaan. Hindi na rin nakakapagtaka 'yon. Sa edad kong tatlo mahirap na tandaan 'yon.
Hindi ko akalaing may Ninong akong sobrang gwapo at higit sa lahat super hot. Ang landi ng isip ko, pero 'yon talaga ang totoo.
Matipunong dibdib, matangkad, mestiso, makulay na labi at matangos na ilong. Dagdag mo pa ang mga tingin niyang para bang makalaglag ng panty.
Lumuluwag yata ang garter ng panty ko ngayon.
"I can't believe my goddaughter's all grown up now," Uncle Zeke said with a smile.
Yes. I am all grown up. You could totally marry me now—I mean, I’m old enough to get married.
"It’s been years since you last visited. Marami ka na yatang utang sa inaanak mo." pabirong sabi ni Daddy.
Nakikinig lamang ako sa kanilang usapan. Gusto ko sanang makausap ng solo si Uncle Zeke ngunit hindi ko magawa dahil nag-uusap sila ni Daddy. Isa pa, nahihiya rin ako sa kaniya.
"Hindi mo naman sinabi sakin na dalaga na pala ang inaanak ko. Hindi mo sinabi sa akin na debut party pala ang dadaluhan ko."
"Hindi ko ba nasabi sa 'yo? Oh, I'm sorry about that." kaagad na hingi ng pasensya ni Daddy.
"Well, I guess I’ll just have to change my gift then."
Biglang itinago ni Uncle Zeke ang hawak niyang regalo.
"Tatanggapin ko po 'yan." kaagad na sabi ko.
Napalingon sila sa akin.
"Tatanggapin ko po ang regalo niyo sa akin." ngumiti ako ng malapad.
"Hindi ito bagay sa iyo, Anika. I'm sorry, I thought you were still a kid." sabi naman nito. Wala na talaga siyang balak na ibigay sa akin ang regalo niya.
"Kahit ano pa ho 'yan. Tatanggapin ko, N-Ninong." nautal pa ako ng sambitin ko ang huling salitang kumawala sa aking bibig.
Hindi siya nagsalita. Pansin kong nakatitig lang siya sa akin.
---
Nagmadali akong bumangon sa kama. Sa sobrang antok ko kagabi ay hindi ko na nabuksan pa ang regalo ni Uncle Zeke sa akin. Excited tuloy akong makita kung ano iyon.
Wala na si Mommy sa pintuan kaya natahimik ang mundo ko. Ngunit naalala kong nasa sala ang Ninong ko. Baka bigla siyang umalis.
Sa sobrang taranta ko, hindi ko na nagawa pa tingnan ang sarili sa salamin. Mabilis kong inihakbang ang mga paa patungo sa pintuan nitong aking kwarto. Halos liparin ko na nga ito hanggang sa makarating ako sa pasilyo nitong aming bahay.
Dalawang palapag ang bahay namin. Hindi naman kami mayaman, hindi rin naman kami mahirap. Siguro nasa kalagitnaan ang status ng buhay namin. Hindi kami naghihirap dahil may sariling negosyo si Daddy. Magaling si Daddy pagdating sa pagnenegosyo kaya naging successful ito.
Si Mommy naman may sarili rin naman siyang negosyo. Ang maliit niyang flower shop. Mahilig kasi si Mommy sa mga bulaklak habang kabaliktaran naman sa akin. Hindi ako mahilig sa bulaklak kaya hindi ako maaasahan ni Mommy sa kaniyang munting negosyo.
Isa pa, nag-aaral pa ako.
Mas binilisan ko ang aking paglalakad para lang makarating na kaagad sa sala.
Nasa hagdanan pa lang ako ay narinig ko na ang tawanan nila Daddy. Narinig ko ang baritonong boses ng Ninong ko. Ang sexy ng boses niya.
"Hon, wala pa rin ba ang anak mo?" narinig kong tanong ni Daddy kay Mommy.
"As usual, magtataka ka pa ba? Tuwing weekend matagal talagang nagigising si Anika." sagot ni Mommy.
Mula sa kinaroroonan ko ay natanaw ko si Uncle Zeke. Nagbaba ako ng tingin sa dala niyang regalo.
Para kanino kaya 'yon? Bakit may dala pa siyang regalo? Tapos naman na ang birthday ko.
Naglakad ako palapit sa kanila hanggang sa makuha ko ang kanilang atensyon kaya naman napalingon silang tatlo sa akin. Si Mommy, Daddy at siyempre si Uncle Zeke.
Napansin kong biglang nanlaki ang mga mata ni Mommy. Nang balingan ko naman si Daddy, nakakunot ang noo nito at hindi maipinta. Habang si Uncle Zeke naman ay nakaawang ang labi.
Bakit ganoon ang kanilang reaksyon?
Napansin kong bigla na lamang tumalikod si Uncle Zeke. Para bang ayaw niya akong tingnan. Anong meron bakit ayaw niya akong tingnan.
"My God, Anika! Anong naisip mo at bumaba ka na ganiyan ang suot mo?" bulalas ni Mommy.
Kaagad kong tiningnan ang suot ko. Nanlaki ang aking mga mata dahil hindi ko man lang napansin na naka-pekpek short pala ako at white sando. Wala pa akong suot na bra kaya bumakat ang u***g ko.
Napangiwi ako.
"Bumalik ka sa kwarto at magbihis, Anika!" sigaw ni Daddy na nagpanginig sa kalamnan ko.
Sa totoo lang, hindi ko sinasadyang bumaba ng nakaganito. Sa sobrang excited kong makita si Uncle Zeke hindi ko na sinipat pa ang sarili ko sa salamin. Nakalimutan ko na din dahil nga abala ako sa kaiisip sa lalaking laman ng isip ko mula pa kagabi.
Mabilis pa sa alas kwatrong tumalikod ako sa kanila. Dahil hiyang-hiya ako ay sinubukan kong tumakbo ngunit sa pagtakbo ko ay biglang natisod ang mga paa ko kaya naipikit ko na lamang ang aking mga mata.
Nangudngod ang mukha ko sa sahig at maging ang dibdib ko ay tumama rin doon.
Ang sakit.
Ngunit hindi ko ininda ang sakit. Ang nasa isip ko ngayon, baka pinagtatawanan na ako ngayon ni Uncle Zeke. Nakakahiya itong ginawa ko. Baka isipin niyang isip bata ako.
"Jusko na bata ka. Tumayo ka na riyan. Nakakahiya sa Ninong mo." lumapit sa akin si Mommy tsaka niya ako inalalayan tumayo. Ipinatong niya sa balikat ko ang kaniyang hawak na balabal.
"Hindi na po ako bata, Mommy. Dalaga na nga po ako." naiinis na reklamo ko sa kaniya.
"Dalaga ang isip mo pero kung kumilos ka daig mo pa limang taong gulang na bata. Hindi ka pa nagsuot ng bra bakat na bakat 'yang u***g mo. Jusko na bata ka!"
"Mommy naman!" inis na nagpapadyak ako ng aking mga paa.
Muli kong binalingan si Uncle Zeke. Nakatingin na siya ngayon sa akin. Ang lagkit ng kaniyang mga tingin. Para bang gusto niya akong kainin.