CHAPTER 1 UNCLE NINONG

1693 Words
Anika's POV Today is my 18th birthday. A pink gown, high heels, a make-up artist, and all sorts of other things are right in front of me now. Masayang-masaya ako dahil sa wakas! Magaganap na rin ang hinihintay ko. Hindi ako makapaniwalang 18 years old na ako sa araw na ito. Dalagang-dalaga na at puwede ng mag-boyfriend. Speaking of boyfriend. Wala pa akong natitipuhan sa mga manliligaw ko. Wala sa kanila ang gusto ko sa lalaki. Gusto ko kasi, yung matangkad, mestiso, medyo may edad na pero hot pa din. Kayang makipag-sabayan sa mga katulad ko. Habang inaayusan ako ng make-up artist ko hindi naman mapakali ang isip ko. Ang sabi ni Daddy lahat niyang mga friends are invited. Isa na doon ay ang mga Ninong's ko. Hindi ko pa nakikita ang mga kaibigan ni Daddy kaya wala akong idea kung kasing hot din ba sila ng Daddy ko. Sa edad na kuwarenta, hindi maikakaila na hot pa rin ang Daddy ko. Hindi mo maiisip na kuwarenta na pala ito dahil sa ganda ng pangangatawan at siyempre pogi rin ito. No wonder Mommy fell so hard for him. Napangiti ako nang makita ang sarili sa malaking salamin. OMG! Ako ba 'to? Sobrang ganda ko naman sa make-up ko. Siyempre, maganda pa rin naman ako kahit walang make-up. "Napakaganda mo naman na bata ka." malamya na sabi ng make-up artist ko. Bading kasi ito kaya medyo binabago niya ang boses niya. Nagpaikot-ikot ako sa harapan ng malaking salamin. "Thank you." sagot ko habang malapad ang aking mga ngiti. Hindi ko maalis ang paningin sa salamin. "Sige na, lumabas ka na. Magsisimula na yata ang okasyon." Hindi na ako nagtagal pa sa dressing room. Lumabas na rin ako ng kwarto para tahakin ang kinaroroonan nila Mommy. Nasa kabilang silid lang naman sila. Pumasok ako sa loob ng kwarto. Nadatnan kong nakaharap sa salamin si Mommy. Nakabihis na ito at handa na rin lumabas ng kwarto. Kasama niya rin ang kaniyang make-up artist. Nagulat pa siya ng mapalingon siya sa kinaroroonan ko at nakita ako. "Oh, God! Anika Kattie Ramirez!" bulalas ni Mommy sa buo kong pangalan. "Mommy naman." "Napakaganda ng anak ko." lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Dalagang-dalaga ka na talaga, anak. Napakaganda mo. Manang-mana ka talaga sa akin." nakangiting sabi niya. "Saan pa nga ba ako magmamana, Mommy kundi sa iyo." nakangiti ko rin na sabi sa kaniya. "Halika na." Hinila niya na ako palabas ng silid. Inihanda ko na ang sarili ko sa grand staircase entrance. Habang si Mommy ay tuluyan ng bumaba. Naiwan ako dito sa itaas. "Anika!" Napalingon ako nang marinig kong may tumawag sa akin. Isang babae ang lumapit sa akin. "Are you ready, Ms. Ramirez?" Tumango na lamang ako. Handang-handa na ako. Naglakad ako palapit sa hagdan. My God! Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ako. Tumigil bigla ang mundo ko sa isang iglap nang mapatingin ako sa ibaba. Nasa itaas ako ng hagdan, nakatingin sa mga bisitang nakatutok lahat ang tingin sa akin. Ang ilaw ng spotlight ay nakatutok sa aking mukha, at ang musika'y nagsimula nang tumugtog....'yung matagal ko nang pinangarap na kanta. On point. Lahat ng mata, nasa akin. Lahat ng phone, naka-record. “Let’s all welcome our stunning debutante… Anika!” sigaw ng host. I smiled. Finally. Malalim akong huminga. Pinisil ko nang bahagya ang palad ko para pakalmahin ang sarili. Tinakpan ko ng ngiti ang kaba. Bawat hakbang ko pababa ay tila ba bumabagal ang oras. Naririnig ko ang malalakas na palakpakan, pero mas malakas ang t***k ng puso ko. Pero habang bumababa ako, may isang pares ng mata ang tumama sa akin. Who… is that? May isang lalaki sa dulo ng crowd. Naka-black suit, nakatayo lang, hindi katulad ng iba na busy mag-picture. Tahimik lang siya pero nakatitig sa akin ng diretso. Walang hiya! Kasasabi ko lang kanina kung anong type kong lalaki. Sinalo niya yata lahat ng 'yon. Mestiso, matangos ang ilong at may mapupungay na mga mata na parang may sariling mundo. God! ‘yung ngiti niya? Parang hindi siya bisita rito...parang siya ang bida sa kwento ko ngayong gabi. Napalunok ako. Hindi dahil sa kaba. Kundi dahil sa kakaiba na naramdaman ko habang bumababa pa ako. At sa bawat hakbang ko, hindi ko na naririnig ang tugtog. Hindi ko na napapansin ang mga flash ng camera. Para bang kami lang ang nando’n. Ako sa taas grand staircase. Siya sa baba. Parang eksena sa pelikula. Pagdating ko sa huling baitang, nagtagpo ang mga mata namin. Ngumiti siya sa akin. Mas bumilis pa ang t***k ng puso ko. Ibinaling ko muna sa iba ang aking paningin. Nang tuluyan na akong makababa sa hagdan, agad akong sinalubong ng masigarbong palakpakan. Pero hindi ko agad sila muling tiningnan. Lumipat ang aking paningin sa Daddy kong naka-black tux, nakangiti habang hinihintay akong lumapit sa kaniya. Muli kong binalingan ang lalaking umagaw sa aking atensyon ngunit hindi ko na siya nakita. Bigla na lamang siyang nawala. Sinuyod ng aking paningin ang kabuuan nitong venue ngunit hindi ko talaga siya nakita. Bigla tuloy bumigat ang balikat ko. Paglapit ko kay Daddy inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Happy birthday, princess." bati niya sa akin habang malapad ang mga ngiti. "Thank you, Daddy." Humarap si Daddy sa mga bisita. "Ladies and gentlemen,” sabi ni Daddy. “Thank you for being here tonight! Allow me to introduce to you… my one and only princess. My headache, my heart, my pride. Anica!” Nagpalakpakan ang lahat. Napangiti naman ako ng malapad. Tumingin ako sa paligid. Umaasa akong makita ko ulit ang lalaking nakaagaw sa aking pansin. Ngunit nabigo ako. Hindi ko siya nakita. Dinala ako ni Daddy sa dance floor. Nagsimula nang tumugtog ang classic love song na pinili niya. Siyempre, luma. Ka-vibes niya kasi si Richard Gomez. Habang sumasayaw kami, bigla siyang bumulong sakin. “Hija… eighteen ka na. Alam mong kahit ilang rosas pa ang sumayaw sa’yo ngayong gabi… ako pa rin ang pinakaunang lalaki sa buhay mo.” Napangiti ako. “And the most pogi Daddy in the world.” Ganito kami ni Daddy kung mag-usap. Para lamang kaming magkaibigan. "Puwede na ba akong mag-boyfriend, Dad?" bigla kong bulong sa kaniya. “Anak, masyado kang spoiled. Huwag ka muna mag-boyfriend masyado pa maaga para diyan. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo.” “Sabi mo nga, I’m your headache.” Tumawa siya ulit. “Yeah. But you’re also my favorite pain.” nakangiting sabi niya. "Daddy naman." "Oh? Huwag mo ng ipilit sa akin ang magkaroon ka ng boyfriend dahil hindi pa ako pumapayag. Kapag pinilit mo 'yan. Aalisan kita ng ATM, lahat ng cards mo kukunin ko. Tatanggalan rin kita ng mana at palalayasin kita sa bahay." "Over naman kayo, Dad." "Ganoon ako ka-disgusto na mag-boyfriend ka. Kaya sundin mo na lang ang gusto ko, Anika." "Okay, fine, Dad." nakabusangot na sagot ko sa kaniya. Pagkatapos ng sayaw namin, inabot niya ang isang pulang rosas. “Simulan na natin ang 18 Roses, anak.” bulong niya sa akin. Unti-unti siyang humiwalay sa akin. Nakita ko si Mommy sa kabilang banda. Nakangiti ito habang nakatanaw sa akin. "Now, let's begin with the rest of our 18 roses." sabi ng host. Isa-isa silang lumapit sa akin. Mga kaklase ko, pinsan, family friend. Natapos ang 18 roses ko ngunit pakiramdam ko malungkot ako. Akala ko, isa sa 18 roses ko ang lalaking umagaw sa aking atensyon kanina. Pagkatapos ng huling sayaw, yung katawan ko parang lumulutang pa rin. Wala ako sa huwisyo. Hindi ba dapat masaya ako dahil big day ko 'to. Mga kaklase ko sa kabilang table nakatingin sa akin. Abot tenga ang ngiti. Kilig na kilig sa 18 roses ko. Isa lang naman ang hinahanap ko. Walang iba kundi ang lalaki kanina na bigla na lamang nawala. Lumapit sila Mommy and Daddy sa akin. "Hija." bungad ni Mommy sa akin. "Happy birthday baby." bati niya sa akin. "Mommy, dalaga na po ako." reklamo ko sa kaniya. "But you'll always be my baby, darling." "Mommy naman eh!" napakamot tuloy ako ng wala sa oras sa aking ulo. "Halika na, ‘yung mga ninong at kaibigan ng Daddy mo gustong batiin ka.” hinila na ako ng tuluyan ni Mommy sa isang table. Paglapit namin, para akong nakapasok sa calendar shoot ng mga hot uncle's. Siyam yata silang lahat. Mga mukhang boss. ‘Yung tipong hindi mo alam kung businessman, politician, o secret agent. "Anika, these are your Uncles— Malcolm, Oxford, Zarex, Azure, Damien, Max, Benj, Wolfe, and Rowan,” Mommy introduced them one by one. They were so hot. Ang pogi at ang tatangkad. Sabay-sabay silang tumayo, naka-ngiti. Isa-isa silang humalik sa pisngi ko. “Happy birthday, Hija." bati nila sa akin. Napako na lamang ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Ikaw ba naman isa-isang halikan sa cheeks ng mga hot uncles na ito. Kinikilig ako. Ang babango nilang lahat. "There’s still one more coming, Anika." biglang sabi ni Daddy sa akin. Sino kaya 'yon? "There he is!" bigla na lamang sambit ni Daddy kaya naman napalingon ako kung saan nakatingin ito. Parang biglang kumawala ang kaluluwa ko sa aking katawan. It was him My dream guy. Nanigas ako. Natuyuan ng laway. Ngumiti si Daddy, proud na proud habang nakatingin ito sa kaibigan niyang papalapit sa amin. “Ayan na, anak 'yung pinaka-special sa lahat.” dagdag na sabi ni Daddy. Sunod-sunod akong napalunok. Paglapit niya, nagtagpo ulit ang mga mata namin. “Anika, this is your Uncle Ninong Zeke,” pakilala ni Daddy. Parang may sumabog sa tenga ko. Wait—what? Ninong? Hindi ako kaagad nakagalaw. Nanatili lang akong nakatitig sa gwapo niyang mukha. Sa napakaamo niyang mga mata. Siya... ang ultimate crush ko ngayong gabi. Pero bakit siya pa naging Ninong ko? Ngumiti siya. “Happy birthday, Anika.” nakangiting bati niya sa akin. My God! Ang mga mata niya. Napakagandang tingnan lalo na kapag nakangiti. Inabot niya ang kamay ko, at marahang hinalikan ito. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Parang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko. Kung puwede lang, lamunin na ako ngayon ng carpet para tuluyan na akong mawala sa kanilang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD