CHAPTER 32 PAGBEBENTA NG BRIEFS

2255 Words

Anika's POV Pagbaba ko ng jeep, sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin at amoy ng lupa. Umulan pala dito sa kanila. Huminga ako nang malalim, pilit tinatanggal sa dibdib ang bigat ng mga huling nangyari. Dalawang oras din ang biyahe mula Maynila, pero sa wakas, nahanap ko rin ang sinabi ni Manang Ella na bahay ng pamilya niya. Hindi ito kalakihan, isang konkreto pero simpleng bahay, may mga paso ng halaman sa gilid at kurtinang kulay dilaw sa bintana. Kumatok ako, dalawang beses. Ilang segundo lang, bumukas ang pinto at sumilip ang isang dalagitang may maamong mukha at maitim na buhok na nakatali. Parang nanlaki ang mata niya nang makita ako. “Ah…s-sino po sila?” halos pabulong niyang tanong, parang hindi sigurado kung kakausapin ba ako o tititigan lang. Napangiti ako kahit med

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD