Nakaupo si Zeke sa harap ng kaniyang executive desk, abala sa makapal na folder ng financial reports. Tahimik ang buong opisina, tanging tunog ng papel at pag-click ng ballpen lamang ang maririnig. Mula sa sahig hanggang kisame at salaming bintana, tanaw niya ang naglalakihang katabing building. Tumunog ang cellphone niya sa gilid ng mesa. Saglit niyang nilingon at tiningnan ito. Ganoon na lamang ang pagkunot ng kaniyang noo ng masilayan ang pangalan sa kaniyang screen. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at binalik ang atensyon sa hawak na dokumento. Hindi ngayon, Lolo. Bulong niya sa isip. Ngunit hindi pa natatapos ang ikalawang pahina, tumunog naman ang telepono. Muli niya itong binalewala. Hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang kaniyang secretary. "Sir…” medyo nag-aalangan n