Third POV Pagbukas ng malaking pinto ng mansion, sinalubong si Zeke ng malamig at nakabibinging katahimikan. Tumigil siya sa gitna ng sala nang mapansin ang makukulay na unicorn figurines na naka-display. Noon, nakakatawa para sa kaniya kung gaano kahilig si Anika sa mga iyon… pero ngayon, ang mga unicorn na ito ay tila paalala lang ng ginawa niyang pagpapalayas kay Anika. He let out a deep sigh and quietly made his way up the stairs. Pagdating sa kwarto, wala siyang inaksayang sandali. He took off all his clothes and headed straight to the bathroom. Bumuhos ang malamig na tubig sa kaniyang balat ng matapat siya sa shower. Pagkatapos mag-shower, nagbihis siya agad ng simpleng t-shirt at pajama. Sinadya niyang huwag na magsuot ng brief dahil doon siya comfortable kapag matutulog. Pagkata