Anika Nandito ako ngayon sa harapan ng mansion. Sa mansion ng Lolo ni Zeke. Ilang araw makalipas pagkatapos kong umalis sa bahay ni Zeke. Nakapag-isip-isip na ako at buo na ang desisyon ko. Kailangan ko ng makipaghiwalay kay Zeke. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa ba siyang pakisamahan ngayon ang gulo ng mundo niya. Hindi ako ang pinili niyang pakinggan, hindi ako ang pinili niyang paniwalaan. Pinili niyang paniwalaan yung anak niya sa kaniyang EX. Hawak ko na ngayon ang divorce paper. Ilang araw ko din pinag-isipan 'to. Kaya nandito ako ngayon sa harapan ng mansion. Ayaw ko na kasing mag-cross pa ang landas namin ni Zeke kaya idadaan ko na lang kay Lolo ang divorce paper na hawak ko. Kahit naman sinampal niya ako hindi ako nagtanim ng galit. Alam ko naman na hindi ako gusto ni

