Anika's POV NAUNA na akong umakyat sa itaas habang si Zeke kausap ang kaniyang mag-ina sa sala. Hindi ko alam kung ano pa ang pinag-uusapan nila, hindi rin naman ako interesado. Huwag lang niya subukan patirahin dito si Bianca dahil ihahalo ko ang balat niya semento. Inis akong umupo sa malambot na kama. Ilang minuto na ang nakalipas pagkatapos kong pumasok dito. Napatayo ako ng marinig ang pagbukas ng pinto. Humakbang ako palapit doon kaya nakita kong si Zeke ang pumasok. Sinalubong ko kaagad ito tsaka sinamaan ng tingin. "Para saan ang tingin na 'yan?" patay malisyang tanong niya. "Huwag mo sabihin patitirahin mo dito ang mag-ina mo?" "Sino naman nagsabi sa 'yo niyan?" "Subukan mo lamang Zeke na patirahin dito yung Bianca na 'yon malilintikan ka sa akin! Hinding-hindi mo na m

