Anika's POV Ramdam ko ang init ng mga labi ni Zeke nang paulit-ulit itong dumampi sa aking labi. Puno ng pagnanasa at ramdam ko ang pananabik ng magtagal ang halik niya sa aking labi, ngunit nanatili lang akong nakapikit, walang tugon. Ayaw kong tumugon sa mga halik niya. Oo, nasasarapan ako. Pero pakiramdam ko, may kulang. Maraming bumabagabag sa isip ko. Gusto kong makasigurado. Gusto kong malaman kung totoo ba talaga mga sinasabi niya. Baka sinasabi niya lang 'to dahil gusto niyang magpalabas ng init ng katawan. Gusto niya lang magpalipas ng sakit sa puson. Napansin ko ang biglaang paghinto ng kanyang mga halik. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang mukha, tila nagtataka kung bakit hindi ako nagre-respond. Napasinghap ako at napatitig sa kaniya. "Pagod ako, Zeke." bulong ko

