Anika's POV Tahimik kaming dalawa ni Zeke sa loob ng patient room kung saan nakahiga si baby Allen. Pareho kaming nakatayo at tila ba nag-iisip kung sino ang mauunang magsalita. Sa wakas, maayos na ang lagay ni baby Allen. Rosy na ang pisngi, at hindi na ganoon kaputla tulad ng dati. Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib habang pinagmamasdan ko siya. "Zeke..." "Anika..." Sabay pa kaming nagsalita. Pareho rin kaming nakatingin sa isa't isa. "Anong sasabihin mo?" pinauna ko na siya. Tumikhim naman siya. "Hayaan mo sana akong bumawi sa inyong dalawa ni baby Allen." panimula niya. Huminga akong malalim. Kanina lang ay kinausap niya si Dad. Nakiusap siya dito kung papayag itong sumama kami sa kaniya. Tapos ngayon, ito na naman pakiusap niya sa akin. "Anong sabi ni daddy?" ta

