Pagkatapos ng mahabang habulan sa loob ng hospital, parehong hingal na hingal sina Zeke at Romeo ng makalabas na ng hospital. Pareho silang natigilan nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na tumama sa kanilang balat. Hindi nila namalayang nakalabas na pala sila ng building. Dahil sa pagod ay umupo si Romeo sa bakal na upuan habang pinupunasan ang pawis sa noo. Habang si Zeke naman ay lumapit para umupo sa tabi ni Romeo. "Zeke..." ilang minuto bago nagsalita si Romeo. Napasulyap si Zeke. "Seryoso ka na ba talaga sa anak ko?" seryosong tanong ni Romeo. Nagpakawala ng malalim na hininga si Zeke. "Paano kung sabihin ko sa 'yo na seryoso ako sa anak mo simula't simula pa lang? Maniniwala ka ba?" seryoso rin naman na sagot ni Zeke. Para bang may dumaan sa kanilang harapan dahil bi

