Anika's POV "SUSUNDAN pa ho ba natin, senyorita?" untag ni Manong Lito ng sandaling natahimik ako. "Opo, manong sundan po natin. Baka kung anong gawin ng Angel na 'yon sa asawa ko. Hindi ako papayag." Biglang natawa si manong. "Sige ho, senyorita." "May nakakatawa ho ba, manong? Normal lang naman siguro 'yon 'di ba? May karapatan naman siguro akong magselos dahil asawa ako. Isa pa, dapat kong bantayan ang asawa ko dahil baka saan sila mapunta at baka mabuntis pa niya yung babaeng 'yon." "Wala naman ho, senyorita. Humahanga lamang ako sa ginagawa niyo. Talagang mahal na mahal mo si sir." nakangiting sabi ni manong Lito. Magsasalita pa sana ako ng mapatingin ako sa harapan. Nakita kong lumiko ang sasakyan ni Zeke at huminto ito sa tapat ng mamahaling restaurant. "Manong Lito, hum