Kalalabas ko pa lang mula sa banyo at kasusuot lang ng uniform ko nang biglang sunod-sunod na kalampag ang umalingawngaw mula sa pinto. Napalingon kaagad ako. Sino kaya ang sunod-sunod na kumakatok? Sinipat ko muna ang sarili sa aking vanity mirror. Namamaga ang mga mata ko. Ang laki ng eyebags ko. Halatang umiyak ako kagabi. Hindi pa rin tumigil ang mga katok sa pinto kaya nagpasya na akong puntahan ito at buksan. Napaatras ako ng makitang si Manang Ella ito. Namumutla at para bang kabadong-kabado. "Manang Ella? Anong nangyari?" "Senyorita." halos bulong niya. "Si... si Sir Zeke..." I rolled my eyes the moment I heard my husband's name. "Bakit? Anong ginawa mo, manang?" tanong ko. "Hindi ako...ikaw!" sagot niya. "Yung mga damit niya...yung mga nilabhan mo." Dahil sa sinabi