Anika's POV Buong maghapon… wala talagang pumasok sa utak ko. Habang nagtatalak si Prof sa harap tungkol sa kung ano mang lesson, para lang akong nakaupo roon na parang lantang gulay. Nakatingin, nakikinig pero ang isip ko? Nasa ibang planeta. Para bang lutang. Nakikinig nga ako pero parang lumalabas lang din ito sa kabilang tenga ko walang pumasok sa utak ko. Hindi ko maalis sa isip ko ang asawa ko. Hindi ko alam kung galit pa ba ako sa kaniya… o miss ko lang talaga siya. O baka pareho. Nababaliw na ako. Kahit na anong pilit kong mag-focus mukha pa rin niya ang lumilitaw sa isip ko. Napabuntong-hininga ako. "Anika, okay ka lang?" tanong ni Mila mula sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya. "Ha? Oo naman." Ngumiti ako ng pilit. Pero kita ko sa mga mata ni Mila, hindi siya kumbin